Chapter 32

435K 15K 9.1K
                                    

"DON'T YOU DARE TOUCH MY WIFE."


"M-Mr. CEO..." Napatigagal si Donald. Gustuhin man niyang umatras subalit hindi niya magawa. Mariing hawak ni Macoy ang kanyang pulso.


Macario clenched his teeth. Mahinahon lang ang tunog ng kanyang tinig subalit dumagundong ito sa pandinig namin.


Isa-isang nawala ang mga crew ng restaurant, parang isa-isang nagsitago. May ilan pa ngang kandarapa sa pagtakbo nang makita nilang galit ang kanilang CEO. Kumbaga sa isang gubat, naglaho ang maiilap na mga hayop dahil dumating ang isang mabangis na hayop. Kahit si Kuya Theo na masungit na laging naka-chin up ay tila nagmistulang mabait na tupa.


Tumayo si Mr. Salcedo na bakas sa mukha ang pagtataka. "M-Mr. CEO..." Kandautal ang matanda. "N-nakabalik na po pala kayo from Paris." Nagkatinginan sila ng asawa niya.


Pawisan na si Mrs. Salcedo nang magsalita. "W-we're just having a family matter here." Bumaling sa akin ang ginang. "T-this woman... Pamela... lied to us. T-this woman is a bitch–"


"Watch your mouth." Anang baritonong boses ni Macoy. Tumingin siya sa akin at nagtagpo ang aming mga mata. "This woman... is my wife."


Napanganga si Mrs. Salcedo sa narinig. Parang in denial pa rin sila.


[ Unedited original copy ]


Ibinato ni Macoy ang pulso ni Donald. Lumapit siya sa akin at lumuhod upang magpantay kami. Nanigas kasi ang aking mga tuhod mula sa pagkakaupo sa sahig. Marahan niya akong ipinangko gamit ang kanyang mga braso. Napasiksik ako sa kanyang dibdib nang buhatin niya ako.


Tulala lang si Ate Nita, na-estatwa na nakatingin sa amin. Tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.


"Are you okay?" Malamlam ang mga mata ni Macoy nang tanungin niya ako. Naamoy ko ang mabango niyang hininga dahil hindi naman na nagkakalayo ang mukha namin nang tingalain ko siya.


Tumango lang ako dahil hindi ko magawang magsalita. Nabibingi ako ngayon sa lakas ng kabog ng aking sariling dibdib.


Nagsalubong ang kilay niya nang mapatingin siya sa labi ko na may putok. "We should see a doctor." Kalmado lang ang boses niya pero nararamdaman ko sa katawan niya ang matinding galit.


"W-we don't understand, Mr. CEO..." Lumapit sa amin si Mrs. Salcedo. "A-asawa nyo po ang babaeng iyan?"


"Do I really need to repeat myself?" Walang-lingon niyang tugon sa babae.


"With all due respect, Sir." Sumingit si Donald. "That woman is my fiancée–"


"Not anymore!" Pagkuwan ay nilingon ni Macoy ang lalaki at tinitigan nang masama.


Napaatras si Donald, bakas sa mukha ang takot.


Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon