Chapter 22

410K 12.7K 4.3K
                                    

"ANO BA, MACARIO?!"


Tulak-tulak ko si Macoy palabas ng gate ng bahay namin.


"Bakit mo ko niyakap?" Mabuti na lang at napakalma na nila Mama si Donald. Balak pa kasi nito na suntukin pa si Macoy matapos akong yakapin ng lalaki.


"Ikaw ang unang yumakap sa'kin, hindi ako!" Napasipol siya. Aakalain bang walang nangyari habang inaayos niya ang kanyang hoody. Isinaayos niya rin ang tumabingi niyang makapal na glasses.


"Seriously? Balak mo ba talagang sirain ang buhay ko?!"


Napangisi siya. "Come on, yakap lang iyon. Not a big deal. We did more than that in the past–"


Tumingkayad ako at tinakpan ang kanyang bibig. "Letse ka, 'wag kang maingay!"


Napangiwi siya. "Ouch."


Napaatras ako. "Bakit?"


Sabay himas niya sa kanyang labi. "Ang sakit ng suntok ng fiance mo."


"Well, you deserved it. Malandi ka kasi."


Umangat ang sulok ng kanyang labi. "What if malaman niya na ang sinuntok niya ay ang anak ng presidente ng bansa?"


Naumid ang dila ko.


"At ang sinuntok niya ang isa sa member ng Black Omega Society." Napailing siya. "Tsk. Tsk. Sumbong ko kaya siya kay Kyo."


Napalunok ako.


Napahimas muli siya sa pisngi niya. "Ang sakit talaga..."


Lagot. Walang kaalam-alam si Donald na hindi lang si Macoy Sandoval ang sinuntok niya, kundi isa ring makapangyarihang tao dito sa bansa.


Mahina ko siyang tinulak palabas. "Please, 'wag mo na itong palalaiin ito. Baka maapektuhan ang kasal ko."


Lalo siyang ngumiwi. "Tsk. Ang sakit kasi talaga ng pisngi ko, grabe..."


"Fine. Pupuntahan kita mamaya. Just please go for now. Tatakas ako, pupuntahan kita mamaya don sa apartment mo."


Himas-himas niya ang kanyang mukha. "Just make sure. Baka kasi mamaga ito mamaya. Baka sumakit magdamag."


Napatiim-bagang ako. Kung hindi ko lang inaalala ang pwedeng mangyari kay Donald ay wala akong balak asikasuhin ang lalaking ito.


Pigil ang galit kong tinalikuran ko siya. Nagmarcha ako papasok ng bahay. Naroon sila Papa at Mama sa tabi ni Donald na pilit pa rin nilang pinapakalma.


"See, Pamela?" Bulyaw sa akin ni Ate Nita. "Tingnan mo kung anong nangyayari?"


Retired PlayboyWhere stories live. Discover now