Chapter 27

386K 13.9K 3.5K
                                    

"PANTHER IS MY SON."


Napaatras ako. Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang aking dibdib. "H-hindi ko maintindihan... Paanong..."


Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Wala na kami ni Macoy. Tanggap ko na iyon, matagal na. Pero bakit nasasaktan ako sa isiping nang mga panahong kami pa ay nagkaanak siya sa iba?


"S-sino ang nanay niya?" Sinikap kong huwag pumiyok sa aking tanong.


"It's Pearl Samantha Foresteir."


Nagtagis ang mga ngipin ko. Bumalik bigla sa akin iyong panahon na nakita ko sa magazines ang pictures nilang dalawa. Nagsinungaling lang pala talaga siya sa akin nang sabihin niyang wala siyang alam at walang nangyari sa kanila ni Pearl.


"Pearl just recently confessed to me that we have a child. I was shocked. At first, I thought she was just bluffing. Baka naiinis na siya kasi hindi na ako nakikipagkita sa kanya mula nang umalis siya at bumalik from Italy. Pero bigla isang araw ay sinabi niya na nasa condo ko siya sa QC. She said that she has something important to say to me."


Ang pinipigil kong pait sa dibdib ay unti-unti nang kumakawala habang nakikinig sa sinasabi ni Macoy.


"When I went there, Pearl had already left. What I found there was a little boy who was claiming to be my son."


"May DNA test na ba? May katibayan na ba si Pearl na anak nyo nga talaga iyong salbaheng bata na iyon? Paano kung nagsisinungaling lang pala si Pearl? Paano kung pinalabas niya lang na anak nyo si Panther para matali ka na sa kanya?"


"Whoa! Hinay-hinay. Galit ka ba?"


"Hindi ako galit! Okay lang naman na nambababae ka, e. Tanggap ko iyon. Ang kaso tayo noon, e. Okay tayo noon! Pero nakabuntis ka ng iba! Bakit ni hindi ka man lang nag-ingat hayup ka!"


Bigla na naman siyang sumeryoso. "Actually, wala pang DNA test. Hindi pa rin ako sigurado kung ako nga talaga ang biological father niya. But knowing that I have son..." Pumungay ang kanyang mga mata. Makikita sa kanyang mukha ang ligaya.


Masaya siyang may anak siya? Shit. Bakit nasasaktan ako? Tinalikuran ko siya at padabog akong lumabas.


Hinabol niya ako. "Saan ka pupunta?"


"Uuwi na. Bakit dito ba ako nakatira?!"


"Galit ka ba?"


"Bakit naman ako magagalit? Feeling mo yata affected pa rin ako. Excuse me, I got over you a long time ago."


Pero ang totoo ay gusto ko siyang putulan ng titi. Ang hayop na ito, napakababaero! Nakakainis lang malaman na niloloko pala ang ako ng gagong ito!


Tinalikuran ko na siya ngunit hinuli niya muli ang aking pulso. "Wait."


Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon