Chapter 3

446K 13K 4.7K
                                    

"NANANAKIT AKO KAPAG NAGSE-SEX TAYO!"


"Ha?" Nalanghap ko ang mabango at mainit niyang hininga, at gusto kong kutusan ang aking sarili tila nag-iba bigla nag pakiramdam ko.


Hinagod niya nang mainit na tingin ang aking dibdib na bahagyang lumitaw dahil sa mga nabaklas na butones ng suot kong blouse.


Kumabog ang dibdib ko nang magtama ang aming mga mata. Tila walang nagbago sa klase ng titig niya sa akin tuwing mangyayari ang ganito sa pagitan namin.


Napakurap ako. 


Ganitong-ganito rin niya ako titigan noon.


Noong mga panahong mahal na mahal ko pa siya. Noong mga panahong baliw na baliw ako sa lalaking ito. Noong mga panahong hindi ko pa nakikita kung gaano siya kawalang-hiya. At noong mga panahong ako pa ang paborito niyang nilalang sa mundo. Noong mga panahong akala ko ay mahal niya rin ako.


Nakagat ko ang aking labi nang bahagya pa siyang yumukod sa akin. Napakalapit ng kanyang mukha sa aking mukha.


No. Hindi puwede ito. Hindi ako puwedeng mahulog ulit sa lalaking ito!


"N-nasisiraan ka na ba ng bait?" mahina kong sabi. Kahit ang bibig ko ay hindi makapagsalita nang maayos.


Hanggang ang kanyang mga mata ay bumaba na sa aking mga labi. Lumapit pa ang kanyang mukha habang nakatitig siya sa aking bibig.


Bahala na. Kapag hinalikan niya ako ay saka na ako manlalaban. Wait. Paano kung madala ako sa halik niya? Magaling pa naman humalik ang gagong ito. Lalo na iyong hurricane tongue niya tinatawag. Mas matindi pa raw iyon sa tornado tongue.


Kailangang mapigilan ko siya. Ang kaso ay ayaw naman kumilos ng katawan ko dahil nakaibabaw sa akin ang kabigatan niya.


"Expecting something?"


Napadilat ako. Saka ko lang namalayan na wala na pala siya sa ibabaw ko. Na kanina pa pala ako nakapikit. Pagmulat ko ay nakatingin siya sa akin habang nakaupo na lang siya sa tabi ko.


"Bakit ka nakapikit? Feeling mo siguro hahalikan kita, ano?"


"Ha?"


"Well, sorry to disappoint you. Hindi mo na ulit matitikman ang killer kiss ko." Sabay ngisi ng tarantado.


Napabalikwas ako ng bangon. Namula ang aking pisngi. "Ulol! Nakatulog ako dahil ang boring mo!"


Napahalakhak siya. "If I know you're expecting me to kiss you, right?"


Tumayo ako at sinuntok ko siya sa dibdib.


Tigas talaga! Magkasingtigas talaga ang dibdib at bungo ng lalaking ito.


Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon