Chapter 26

400K 13.1K 4.8K
                                    

NASAAN na kaya ang Merdie na iyon?


Ang sabi niya sa akin sa text message ay nandito na siya. Pero wala naman siya dito sa meet-up place namin. Wala naman akong ibang nakikita dito kundi itong mukhang gurang dito na babae na tila kinikiliti sa pwet habang may binasabasa sa cellphone niya. Imposible yatang ito si Merdie.


Sa tingin ko kasi ay nasa 60 plus na itong babaeng nandito. Nakakairita ang ayos nito. Maedad na pero nakalabas pa ang cleavage sa suot na fitted violet glittered dress. Ang malala, ang partner na sapatos na suot ay umiilaw na pink Barbie sneakers. Pumipilantik pa ang ang mga daliri at ang mga kuko ay naka-nail art ng iba-ibang kulay! Kanino bang lola ito?!


"Excuse me." Lumapit sa akin itong gurang na babae.


"Bakit?" tanong ko. Ginalangan ko pa rin kahit gusto ko nang maimbyerna dahil lantaran ako nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.


Ngumiti siya sa akin. "Pamela?" Pagkuwan ay tumingin siya sa cellphone niya. "Pamela Beltran?"


Oh, no. Pilit akong ngumiti. "Yes."


Pumamewang siya. "Deputa ka, kanina pa ko dito!"


"Ha?"


Kinamayan niya ako. "Ako si Merdie."


Shit, no!


"This is my first day kaya treat mo ko. Gutom na ko, eh. Pakyu ka kasi, ang tagal mo."


Seryoso? Siya si Merdie?! Napapanganga ako sa kanya. Wala sa hitsura niya iyong boses na nakausap ko over the phone. Boses dalaga iyon, kaya nakakaloka na matanda na pala siya.


Napasentido ako. Paano ko kaya siya tatakasan? I have to say to her that I changed my mind. I'm not going to hire her.


"'Nga pala, advance ko pala yung sweldo ko. Kelangan ko kasi ng pera. Bullshit kasi 'yung vibrator ko, sira na. Need ko bumili ng bago."


Oh, my God!


Hindi ko alam kung ano'ng hinithit niya. Kailangan ko siyang takasan. Naglakad ako palayo sa kanya at pumara ng taxi.


Hinabol niya ako. "Saan ka pupunta?"


"Sori, nagka-emergency, eh. Saka na tayo mag-usap. Bye." Pagkasabiy' sabay sakay ako sa cab.


Hindi ko na tiningnan si Merdie dahil ayaw kong makita ang reaksyon niya.


...


HINILA ni Donald ang upuan. Akala ko ay para sa akin, iyon pala ay para sa kanya. Yamot na lang akong umupo sa kabilang side.


[You're reading the original unedited and uncut version of RP]


Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon