Chapter 28

414K 14.7K 8K
                                    

NAPATANGA sa akin si Macoy na para bang hindi narinig ang sinabi ko.


"A-anak ko si Macky..." Garalgal ang tinig ko.


Pinunasan ko ang mga luhang naglandas mula sa aking mga mata. Ilang beses sinabi sa akin nina Papa at Mama na walang dapat makaalam. Paulit-ulit nilang sinabi na wala dapat makaalam ng katotohanan. Katotohanang anak ko si Macky. Ang batang babae na itinago sa pangalan ng isang lalaki.


Matagal na tigagal si Macoy bago siya muling nakagalaw. Halos hindi siya makalakad na lumapit sa akin. Kamuntik pa nga siyang matumba nang hawakan niya ang magkabila kong balikat.


"W-what did you just say?" Hindi siya makapaniwala. Hindi rin siya makapagsalita nang maayos.


Napayuko ako. "A-anak ko si Macky... Ako ang tunay nyang ina..."


Napanganga siya. Para bang ngayon niya lang ito narinig mula sa akin, gayung kanina ko pa iyon sinabi sa kanya.


Nanginginig ang mga kamay nyang nakahawak sa aking magkabilang balikat. "T-tell me..." Napalunok siya. "A-ako ba ang ama–"


"No."


"Huh?" Napakurap siya.


Tinabig ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking balikat. "D-don't worry. Hindi ikaw ang ama niya, 'wag kang assuming."


Bumagsak ang balikat niya. Nagdilim ang kanyang mukha. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.


"I just told you the truth, that's all. Ako ang tunay na ina ni Macky—"


Nag-igting ang kanyang panga. "You mean you cheated on me kaya ka nabuntis ng iba!"


"You cheated on me, too, remember? Quits lang."


Marahas nyang hinuli ang braso ko. "Who's her father?!" Nanggagalaiti siya sa galit. Pulang pula ang kanyang mukha.


Galit siya? Bakit siya galit? Nagloko rin naman siya noon, di ba? 


Nag-isip ako ng sasabihin sa kanya. Sino ba ang ama ni Macky? Pumasok sa isip ko ang isa sa mga naging schoolmates namin noong high school, iyong nanligaw noon sa akin na kinainisan niya dahil sa sarili niyang kagaguhan.


Ngumiti ako sa kanya kahit luhaan ang aking mga mata. "Si... si Gin."


Bintawan niya ako at tinalikuran. "Fuck!" Napasuntok siya sa hangin.


Napamewang si Macoy habang nakatalikod sa akin. Kahit nakatalikod siya ay naririnig ko kung paano magtagis ang mga bagang niya. "Ang tagal na non," sabi niya sa mahinang boses ngunit may diin. "After the high school graduation, nagkita pa pala kayo ng ungas na iyon."


"Yup. Nung college tayo, pagkatapos mong magloko ulit, nagkita kami ni Gin."


Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon