Chapter 21

419K 12.6K 3.5K
                                    

PRESENT. 


Napatili ako pagbangon ko sa sofa. Umaga na!


Pupungas-pungas na lumabas si Macoy ng kwarto niya. "Ano ba yun? Ang aga-aga ang ingay mo." Nakabusangot siya.


"May nangyari sa'tin?" Tanong ko sa kanya habang yapos ko ang aking sarili. Nagising kasi akong walang panty at baklas ang bra.


Natawa siya. "Excuse me?"


"Bakit nakalawit ang dibdib ko? Nasaan ang panty ko?"


"Aba malay ko sa'yo. Kagigising ko lang dito. Nagising lang ako sa ingay mo."


"Anong ginawa mo sa'kin?" Binato ko siya ng throw pillow.


"Wala akong ginagawa sa'yo. Minasahe lang kita kagabi dahil umiiyak ka. Then you fell asleep."


"Ha?"


"Tsk. Kung ano man yang iniisip mo eh baka wet dreams lang yan. Nagising kang walang panty, right? Oh, baka sa kalasingan mo nagsarili ka."


Inirapan ko siya. Padabog akong nagtungo sa shower room niya.


Panaginip? Wet dreams lang kaya iyon?


Nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang at panaginip lang. Kung hindi ay sasabunutan ko talaga siya hanggang sa makalbo siya. Hmp! Hindi yata ako papayag na maka-iskor sa akin ang siraulo na yon!


...


"MY GOSH! Where the hell have you been?!" Sinalubong agad ako ni Ate Nita. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Pag-aalala na baka mawala sa amin si Donald Salcedo.


Ngayon pa lang ako umuwi sa amin. Akala ko ay wala si Ate Nita rito. Natyempuhan niya ako.


Lumabas agad ng kwarto si Mama nang marinig niya si Ate. "Saan ka galing, anak?"


Hindi ako kumibo. Paano ko sasabihin sa kanila na dyan lang sa kapitbahay, nakitulog sa ex.


"Nag-unwind lang po," sagot ko.


"Hinahanap ka ni Donald, anak. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag niya?" Nasa tinig ni Mama ang pag-aalala.


Saka ko lang hinugot ang cellphone ko sa bag. Nakita ko sa screen ang isang daang missed calls. May mga missed calls din si Ate.


"Mag-usap kayo ni Donald, Pamela. Sabihin mo sa kanya na nabigla ka lang." Ani Ate.


Tumango ako.


Hinawakan ako ni ate sa magkabilang balikat. "Please, Pamela, makinig ka sa amin. Para ito sa kinabukasan mo."

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon