Chapter 31

435K 17.3K 8K
                                    

Again, ang RP na ina-update ngayon ay uncut. At ang complete na dati ay 20+ chapters lamang. Ngayon pa lang pino-post ang uncut na ito at hindi pa available sa kahit saan, walang copy, maliban dito at sa published book. Do not be confused.


-----------------------------------------------------------


BORING. That's the right word. Hindi ko naramdaman na nasa Macau ako. Wala kasi akong ginawa kundi ang magkulong sa hotel room.


Isinama ako ni Donald sa business meeting niya minsan pero hindi rin ako tumagal. Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila. Feeling ko nga ay nagmamayabang na lang itong si Donald sa akin maipakita lang kung ano ang trabaho niya.


Kinakatok ako ni Donald kagabi pero hindi ko siya pinagbubuksan. Nagtutulug-tulugan na lang ako. Alam ko ang pakay niya. Lalaki siya at babae ako. Uso ang premarital sex kaya umiiwas ako. Hintayin na lang niya na makasal kami at pagbibigyan ko siya.


Marami raw magandang scenery dito sa Macau ngunit ni isa ay wala akong napuntahan. Mas gusto ko na lang magkulong sa hotel. Parang mas enjoy ako na mag-isip na lang at mamaluktot kasama ang unan at kumot. Tutal ay lagi rin namang wala si Donald. Busy siya sa mga business meeting na pinupuntahan niya.


Lumalim na naman ang pag-iisp ko. Ano kayang nangyari kay Macoy?


Hinintay niya kaya ako? Ilang oras kaya siyang naghintay? Galit kaya siya na hindi ko siya sinipot?


Ipinilig ko ang aking ulo. Ito iyong mga katanungan nagpapagulo sa isip ko dahilan kaya hindi ako makatulog. Gusto ko na ngang pukpukin itong ulo ko para magka-amnesia ako. Nang sa ganun ay makalimot ako.


Sinubukan kong lumabas para mahanginan namana ko. Naabutan ko si Donald na may kausap sa cellphone.


"I see," sabi niya. Pagkuwan ay pinatay na niya ang linya. Madilim ang kanyang mukha matapos niyang isuksok ang cell phone sa bulsa niya.


"Donald, may problema?" Lumapit ako sa kanya.


Hindi siya makatingin sa akin. Para siyang may gustong sabihin na di niya masabi. "Matulog ka na." Iyon lang at iniwan na niya ako.


Nagtataka akong bumalik sa kama ko. Anong nangyari? Bakit tila nagbago ang mood ni Donald?


Kinaumagahan ay hindi ko rin nadatnan sa restaurant si Donald para sa almusal. Nadatnan ko na lang siya pag-akyat ko ng hotel. Naka-empake na siya. Naka-empake na rin ang mga damit ko.


"Uuwi na tayo?" tanong ko sa kanya.


"Yes," tipid niyang sagot.


"Akala ko bukas pa?"


Hindi siya sumagot. Kinuha niya lang ang bagahe ko at hinila hanggang elevator. "I'll wait you in the car. Bilisan mo."


Tumango lang ako. Nagtungo ako sa shower room at naligo nang mabilis. Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako sa parking lot. Naroon na siya sa kotse kasama ang driver na maghahatid sa amin sa airport.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon