Chapter 1

755K 15.5K 5.8K
                                    

HINDI pa ako magigising kundi dahil sa humampas na unan sa aking mukha.


"Hoy, Pamela, anong petsa niya? Bakit tulog ka pa?!"


Idinilat ko ang aking isang mata. "A-Ate Nita, five minutes more, please..."


"Speechless na talaga ako sa'yo! Kanina pa naghihintay ang husband ko sa ibaba."


Napabalikwas ako ng bangon. "Kasama mo si Kuya Teo?" Kuya Theo was her husband. Kasalukuyan itong OIC sa Sandoval's – ang pinakamalaking kompanya ng fashion designing dito sa bansa.


Kaya naman proud si Ate sa napangasawa niya. Ipinagmamalaki niya na nakabingwit daw siya ng mayaman.


The fashion company, Sandoval's, was based in Italy but one of its big branches was located in the Philippines. It was founded in 1963 by an Italian fashion designer, Giulia Rizzo, and her Filipino-American businessman husband, Mateo Sandoval.


Sa pagkakaalam ko sa nabasang magazine, ang business tycoon na si Mateo Sandoval ay kilala bilang matalino at tusong negosyante. Napakayaman na nito pero mas lalo pang yumaman dahil sa nakilala na at lumago ang Sandovals' sixty years ago.

Kapag nabanggit ang salitang Sandovals', ang papasok na agad sa isip ay  – expensive and very high-end. It was one of the most popular and well-known brands in the world. Sino man ang maging empleyado ng malaki at kilalang fashion company na iyon ay malamang na bigatin. 


"Kumilos ka na!" Napapapadyak pa si Ate Nita.


Patakbo kong tinungo ang banyo. Ate Nita was a perfectionist. Tulad niya, gusto niya rin akong makapangasawa ng mayaman. Iyon siguro ang reason kung bakit control freak siya pagdating sa akin. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit boyfriend ko na ngayon si Donald – ang nakakabatang kapatid ni Kuya Theo.


Si Donald naman ay supervisor sa Sandovals', habang ang mga magulang ng mga ito ay pawang mga executives din doon. Habang si Ate Nita ay secretary ng isang account manager doon. Bale, buong pamilya sila na doon mga nagtatrabaho.


"Bilisan mo, hintayin ka namin sa baba!" bilin ni Ate Nita sa akin bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. "Papunta na ang parents nina Theo sa resto."


Mabilis akong nag-shower at nagbihis. Biglang tumunog ang aking cellphone kaya dinampot ko ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita puro drawing ng marker ang phone ko. Alam ko na agad kung sino ang may kagagawan.


"Macky!!!" Sigaw ko. Lintek na batang iyon!


Si Mama ang pumasok sa kwarto ko. "Ano na namang ginawa ng apo ko?" 


"Tingnan niyo po ang ginawa niya sa cellphone ko," naiiyak na sumbong ko kay Mama. "Lahat na lang ng gamit ko dino-drawingan ng bubwit na iyon..."


Nag-ring ulit ang phone ko. Unknown number. Nakasimangot ko itong sinagot dahil mukhang walang balak tumigil. 

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon