Chapter 34

453K 16.4K 4K
                                    

"HINDI SI GIN ANG TUNAY NA AMA NI MACKY."


Napatigagal si Macoy. "W-what?"


Pinunasan ko ang aking mga luha. "H-hindi si Gin ang ama ni Macky..."


"Bullshit!" Galit siyang tumayo. Mabilis niyang isinuot ang kaniyang boxers at jeans. "Tell me... ano pa ang hindi totoo sa mga sinabi mo about Macky?"


Tiningala ko siya. "M-Macky is my daughter... pero hindi si Gin ang ama..."


Napapikit siya. Humugot siya nang malalim na paghinga. "S-sino ang ama niya? Bukod sa akin at kay Gin, may iba ka pa'ng nakarelasyon?! Kailan? Baka noong tayo pa? Ilang beses mo akong niloko noon, Pamela?!"


Napanganga ako. Paano niyang naisip agad na hindi sa kanya si Macky?! Ang ini-imagine ko ay matutuwa siya dahil hindi kami tunay na nagkarelasyon ni Gin, pero iba ang nangyari. Ang nasa isip niya pala ay hindi lang si Gin ang nakarelasyon ko. Ang iniisip niya ay marami sila na pinagsabay-sabay ko!


Naglalatang ang sama ng loob ko dahil wala naman pala siyang katiwa-tiwala sa akin. Ano bang ginawa ko noon sa kanya para pag-isipan niya ako na talagang kaya ko siyang lokohin?!


Ni tumingin sa ibang lalaki noon ay hindi ko na magawa, sa kanya na lang umiikot ang mundo ko, na halos pati ang pangangailangan ng aking pamilya ay nakalimutan ko na. 'Tapos ganito? Imbes isipin niya na siya talaga ang ama ni Macky, ang iniisip niya ay nakailan akong lalaki noon?

"Fuck!" Nagdabog siya. Itinumba niya ang lamesita na malapit sa amin.


Nagtagis ang mga ngipin ko. Bumangon ang pait sa dibdib ko. "Sa tingin mo, sino ang ama ni Macky, ha?!" bulyaw ko sa kanya.


"Why?!" sigaw niya. "Why can't you tell me?!"


Napaatras siya. Napasentido siya matapos mapasandal sa pader.


Tell him, Pamela. Tell him the truth. Ang sabi ng isip ko ay sabihin sa kanya ang totoo. Subalit kapag nagbabalik sa alaala ko ang lahat, nagbabago ang puso ko. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo. Dinampot niya ang kaniyang damit at saka lumabas ng pinto. Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko na siya naabutan.


How would I tell him everything? Na anak niya si Macky? And what would happen after that? He would be mad because I hid the kid? That I lied to him? And then what? Ilalayo niya ang anak ko sa akin?

I am the mother, kaya wala siyang alam sa mga paghihirap ko. Ako ang nagluwal sa anak ko kaya hindi niya alam ang mga pinagdaanan ko.


....


UMIIYAK si Macky sa tabi ko nang magising ako.


"'Problema mo?"


"Sabi kasi ni Panther may poo-poo ako sa batok."


Napakamot ako sa ulo saka hinila si Macky. Bumangon ako at ikinalong siya. May balat siya na kulay pula sa gawing batok niya. Habang tumatagal ay nababanat iyon at lumalaki. Nakakatuwa dahil habang lumalaki si Macky ay nagiging hugis music note na ang kulay pulang balat. Unique.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon