Chapter 20

66.2K 2.2K 168
                                    

AKALA ko kapag napangasawa ko na si Macoy ay magbabago na ito. Hindi pa rin pala. Sala sa init at sala sa lamig pa rin ang lalaki. Bumalik na naman ito sa dati na hindi nagpaparamdam. Hindi siya nag-re-reply sa mga texts ko sa kanya apat na araw na ang nakakaraan.


Plano ko pa naman makipagkita sa kanya noong isang araw pa. Gusto kong pag-usapan na namin kung paano ko siya ipapakilala kina Papa at Mama. Nakokonsensiya na kasi ako at hindi ko na pala kayang maghintay, gusto ko nang magtapat sa mga magulang ko.


Maiintindihan naman siguro nina Mama at Papa kung hihilingin ko na ilihim muna ang relasyon namin ni Macoy hangga't hindi pa ako nakaka-graduate. Sikat kasi si Macoy, mahahalungkat ang privacy namin.


Ang nakakainis nga lang ay hindi naman nagpaparamdam si Macoy. Paano ko siya ipapakilala kung ganyan?


Tulad noon ay wala man lang siyang text o missed calls man lang. Ano na ba'ng nangyari sa lalaking iyon? Sinubukan ko siyang puntahan sa condo niya noong isang araw pero wala naman siya roon. Naghintay pa nga ako hanggang gabi, pero walang Macoy na umuwi.


May tiwala pa rin ako sa kanya. Hindi pa rin ako nag-iisip na baka may ginagawa siyang kalokohan. Inisip ko na lang na syempre nga ay busy siyang tao. Baka may rehearsals. Minsan lang magparamdam ang kinabibilangan niyang banda, pero pasabog kapag nagpaparamdam.


Pagpasok ko sa last subject ay nagkakagulo ang aking mga kaklase sa room. May binabasa silang magazine habang may pinag-uusapang kung sino. Isang sikat na model na babae.


"Ang ganda nitong si Pearl, ano? Ang yaman-yaman pati. Napanood ko 'yan dati na in-interview sa fashion channel. Ang ganda ng accent sa Italian. Nagtatagalog din 'yan. Nasa MTV siya noong nakaraan, guest siya. Ang galing din mag-Tagalog. Filipina yata ang mother niya."


"Girl crush ko 'yan. Nakakakilig, may boyfriend na pala!" ramdam ang kilig sa boses ng kaklase ko. "At ang boyfriend pa ay iyong crush ko rin na si Macoy Sandoval!"


Napalingon ako sa kanila. Wala na akong balak makinig sa kanila nang marinig ko ang pangalan na nabanggit.


Kinikilig ang kaklase ko habang nakatitig sa hawak na magazine. "My gosh! Macoy Sandoval is my bias in of Black Omega Society band!"


"Nakakapanindig balahibo!" sabi ng kausap nito. "BOS! Siya rin ang second ko kay T Saavedra! Inggit na inggit ako sa tita ko sa Japan, kasi nakanood iyon ng concert nila. Nanalo ng Black Ticket VIP!"


"Bagay itong si Pearl kay Macoy. They both have Italian blood."


Hindi na talaga ako nakapagpigil. Lumalaki na ang ulo ko sa nerbiyos. Hinablot ko ang binabasa nilang magazine. "P-pahiram."


Nanginginig ang mga kamay ko na tinanggap ang magazine. Parang bumalik sa akin iyong nakaraang trauma na sa magazine ko rin nakuha. Iyong may kahalikang babae si Macoy sa isang bar.


Ano naman kaya ang makikita ko ngayon? Ang lakas ng kabog ng aking dibdib nang buksan ang magazine. Hindi ko na binasa ang mga nakasulat. Antimanong nanlabo na agad sa luha ang aking mga mata matapos makita ang mga kuha ng paparazzi.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon