Chapter 29

425K 12.3K 3.3K
                                    

BAKIT ka ganyan Macoy? Bakit ginagawa mo sa akin ito?


Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. After kong marinig ang sinabi niya sa akin kagabi, hindi na ako nakatulog. Tama ba ang narinig ko? Mahal niya pa rin ako hanggang ngayon?


Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ba ako padadala sa mabulaklak niyang bibig? Kilala ko na siya mula ulo hanggang paa. Alam ko kung paano niya dalhin ang isang babae sa kama. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit para yatang tinamaan ako? Lintek na lalaking iyon, papaasahin na naman ako.


Paglabas ko ng kuwarto ay narinig ko ang boses ni Papa na may kakuwentuhan. Pinuntahan ko siya para alamin kung sino ba ang kanyang kainuman. Nagulat ako nang makita kung sino ang kanyang kakwentuhan. 


Isang matandang babae na litaw ang lawlaw na boobs sa suot na colorful at glow in the dark pa yata na tube dress! 


"Uy, anak, 'lika dito." Tawag sa akin ni Papa na halata na sa tinig ang kalasingan. "Tingnan mo, oh, kainuman ko PA mo!"


Umikot ang bilog ng mga mata ko. Hindi ko pa siya PA!


Inakbayan ni Papa ang babae. "Okay pala itong si Merdie, eh... sarap kainuman..."


Napahalakhak si Merdie. "Kung wala lang asawa 'tong tatay mo, baka step-mom mo na ako!"


Napahalakhak si Papa.


Lumapit ako sa kanila. "Pa, lasing na po kayo,"


"Kaya ko pa." Pero pikit na ang isa niyang mata.


"Aalis muna kami."


"Saan kayo pupunta?"


Hindi ko na siya sinagot. Hinila ko na si Merdie sa pulso. Paglabas namin ng bahay ay hinarap ko ang babae. Nakasuot siya ng dress at naka-boots. May mga ipit siya sa buhok at mga burloloy. Iyong hikaw niya ay mas malaki pa sa kanyang ilong. Naka-lipstick siya na itim. Pero iyong eye shadow niya kulay dilaw.


"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.


"Pumunta ako dito para pumirma ng kontrata."


"Kontrata? Pero kainuman mo yung tatay ko?"


"Haist. Gigil si ikaw? Anong problema, beshie?"


"You're not hired."


"Weh? Di nga?"


Humugot ako nang malalim ng paghinga. Bigla akong may naisip na ideya. Iniba ko ang usapan. "Dala mo yung sasakyan mo?"


"Of course."


"Good. Let's go." Naglakad na ako. Okay na pala na nandito siya, kailangan ko ng libreng ride.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon