Chapter 24

389K 13.2K 2.6K
                                    

"ANONG ginawa niyo kila Amag? Why the hell were you there?" Halata sa tinig ni Donald na nagtitimpi siya ng galit.


Sasagot pa sana si Macky nang pasakan ko ng pandesal ang bibig nito. "H-hindi kami galing kina Amag!" mabilis na sabi ko. "Nag-j-joke lang si Macky!"


Nagkatinginan sina Papa at Mama. Samantalang si Ate Nita ay para bang hindi makapaniwala sa sagot ng bata.


"B-bumili kasi kami ng pandesal kaninang madaling araw." Inilahad ko sa kanila ang supot ng pandesal na binigay sa akin ni Macoy. "H-heto, o."


"Madaling araw? Bakit ngayon lang kayo umuwi?" usisa ni Ate Nita.


"U-umuwi kami rito, kaso na-i-lock ko pala iyong pinto. H-hindi kami makapasok. W-wala namang nagbubukas samin ng pinto kahit tawag kami nang tawag dahil mahimbing yata ang tulog niyo..." paliwanag ko na hindi makatingin sa kanilang mga mata. "K-kaya iyon... Naglakad-lakad muna kami ni Macky."


Tahimik lang si Donald na nakikinig.


"Tinatawagan ka namin, bakit hindi ka sumasagot?" Si Papa naman ang nagtanong.


Napakamot ako. "N-naiwan ko po kasi ang phone ko sa kwarto. B-bibili lang naman po kasi ako ng pandesal, iyon po talaga ang plano."


"Pinag-alala niyo kami. Akala namin kung ano na ang nangyari sa inyo." Nanginginig si Mama habang nagsasalita.


"S-sori po." Napayuko ako. Pasimple kong tinakpan ang bibig ni Macky para hindi na makapagsalita.


Bumuga ng hangin si Donald. "Find for your own PA. Start na next week ang modeling mo."


Namilog ang mga mata ko. "S-sa Sandoval's?"


Tumango lang siya. Pagkuwan ay naglakad na siya palabas ng pinto at nilampasan ako. Bakas sa mukha niya ang labis na lungkot.


Naalala ko bigla iyong nangyari kagabi. Nag-walk out ako sa proposal niya.


Napatapik ako sa aking ulo.


Lumapit sa akin si Ate Nita. Lumapit sa akin si Ate Nita. "Mag-hunt ka na ng PA mo. This is your only chance to fix this."


Tumango ako. "Last week pa ko nagpost sa internet. Pero hanggang ngayon ay wala pang tumatawag sa akin."


"Eh, anong plano mo ngayon? Baka nakakalimutan mo na iyong ginawa mo kagabi!"


Hindi ako nakasagot.


"Puntahan mo siya. Ikaw naman ang mag-propose sa kanya," utos ni Ate Nita sa akin.


Sina Mama at Papa ay nagsusumamo ang mga mata sa akin. Nang harapin ko ulit si Ate Nita ay desidiso ang mga mata niya.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon