Prologue

1.4M 22.7K 11.4K
                                    

'MACOY KARANGALAN SANDOVAL'


"WILL you marry me?" Practice ko.


Gusto kong mabulunan pero wala akong choice.


I smirked as I'm staring at it. Nasa loob na ito ng wineglass na nasa harapan ko. Sinalinan ko ito ng wine upang maitago sa pulang likido.


This was my last chance. My freedom versus the biggest design company in Asia. I would lose father's company if I would not get married this year. Hindi ako papayag na mangyari iyon dahil malaki na rin ang hirap ko roon.


So tonight I'm gonna propose to the longest relationship na meron ako ngayon. 


Imagine ang tagal na namin. Two weeks na kami ngayong gabi.


And the lucky woman is non-other than the famous acoustic singer, Pearl Samantha Foresteir. She came from a respected, old rich, and influential family. Famous, rich, smart, and liberated. Bagay talaga kami. My grandpa will surely approve of her.


Sa dinami-dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, si Pearl lang talaga ang tumagal sa akin. We're compatible. Hindi niya ako binu-bungangaan, inaaway kapag hindi ako nagpaparamdam.


Bumukas ang glass door at iniluwa ang isang babae. She walked like she was in a pageant. Very elegant.


At hindi ko maiwasang ma-focus ng tingin sa kanyang busog na busog na boobs. Sa bawat paghakbang niya kasi ay sumasabay ito sa pagtalbog all the way.


I smiled at her nang makalapit siya. Umangat ang kanyang kamay at sinampal niya ang aking pisngi.


What the f uck?!


"Bakit mo ako sinampal?!" Gulat na bulalas ko.


"Tangina kang lalaki ka!"


"Huh?"


Saka luminaw sa akin ang hitusra niya. Shit.


"P-Pamela?" Namilog ang aking mga mata.


"Mabuti naman at kilala mo pa ako." She narrowed her eyes at me. "Gusto ko ng makawala sa'yong gago ka! Gusto ko ng mag-asawa kaya inuutusan kita, ipa-annul mo na ang kasal nating dalawa!"


Napalunok ako bago ko kinusot ang aking mga mata. What the hell is she doing here? 


Akma niya akong sasapakin ulit, pero nailagan ko ito.


"Putangina mo, bakit ka umilag?!" Gigil na singhal niya sa akin. The woman was still batshit crazy.


Napamura ako sa isip habang nakatingin sa galit niyang mukha. Even though so much time had passed, she was still beautiful as ever. I shook my head as I raked my fingers in my hair. Ah, no. Hindi ako dapat nag-iisip ng kung ano-ano.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon