Chapter 8.

90 6 1
                                    

Chapter 8.

"Ano bang paki mo?"

Napapikit si Niraiah ng mga mata niya saka malakas na hinampas ang hita niya.

"Oo nga naman, ano bang paki ko?" Inis na tanong niya sa sarili niya habang nakasakay sa loob ng isang tricycle. Napalingon sa kaniya ang driver pero hindi niya ito pinansin.

"And here I was getting excited for no reason," she said solemnly while pouting her lips.

She happened to have her period last night, and at the same time, she got no napkins to use, so she decided to buy them in that grocery store in hope to see that man who nicely gave her cookies last time.

But good lord, who would have thought that the very same man who was very nice to her last time will suddenly treat her rudely? And right after she did all those efforts in chance of seeing him once again.

"Oh well,"

Buhay nga naman.

Napahalukipkip si Niraiah sa sarili niya saka masama ang tingin sa labas. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumigil na ang tricycle na sinasakyan niya.

"Dito na lang ba, neng?" Tanong sa kaniya ng driver, tumango naman si Niraiah saka mabilis na inabot ang bayad sa drayber bago bumaba ng sasakyan. Diretsong bumungad sa kaniya pagkababa ang kapitbahay niya na si Aling Ana.

"Oh? Niraiah!"

Mabilis namang sumimangot ang mukha ni Niraiah pagkarinig ng tawag sa kaniya saka niyakap ang paper bag na may laman ng mga pinamili niya.

"Hello po, Aling Ana." Bari niya sabay lipat ng tingin papunta sa bahay niya saka naglakad, ngunit bago pa man niya makalahati ang hakbang niya, hinarang na kaagad siya ng kaniyang kapitbahay.

"Wait, wait, wait! Abah, mailap ka atah nitong mga nakaraan, Niraiah?" Usosyong tanong nito, kumunot naman ang noo ni Niraiah.

"Ano pong pinagsasabi ninyo, Aling Ana?"

"Abah malamang dahil madalang na lang kita makita lumabas ng bahay mo. May boypren ka na, noh?" Tanong nito sabay ngiti na parang aso, sumimangot naman si Niraiah.

"Pang-gabi na po kasi ako sa trabaho ko, Aling Ana, kaya po madalang na lang akong nalabas sa umaga."

"Aysus, maniwala ako sayo." Ani nito sa kaniya sabay bigay ng nanghihinalang tingin.

'Edi huwag,'

Sabi ni Niraiah sa sarili niya.

"Bakit kasi hindi ka na lang magresign sa trabaho mo? Kababa-baba naman ng suweldo. Ano nga ulit trabaho mo? Inventory Clerk ng CCC Hotel? Yung trabaho ng anak ko, napakadali, babati ka lang sa mga bisita tapos may suweldo ka na. Bakit hindi ka na lang mag-apply sa trabaho nq katulad ng sa anak ko? Gusto mo ipakilala kita sa kaniya?" Sunod-sunod na sabi niya, napahinga naman ng malalim si Niraiah.

"Maraming salamat na lang po, Aling Ana, pero okay na po ako sa trabaho ko." Pagod na sabi niya, sinimangutan naman siya ni Aling Ana.

"Hay naku, sayang ang ganda mo, di mo ginagamit. Dapat hindi ka nakukuntento, mangarap ka ng mataas, mataas na mataas! Sa susunod na araw bibisita ang anak ko, ipapakilala kita sa kaniya! Malay mo kapag narinig mo ang tungkol sa trabaho niya magbago isip mo."

Mariin namang umiling si Niraiah, "Sige na lang po, Aling Ana, mauna na po ako. Maaga pa po kasi ang shift ko mamaya." Sagot nito saka tumalikod na paalis, hindi na niya hinintay ang sagot ng Ale saka dumiretso papasok sa apartment na inuupahan niya.

Love In A Moment [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon