Chapter 16.

48 3 3
                                    

Chapter 16.

-- Hindi kaya masyado mo nang pinipilit ang sarili mong magtrabaho, Niraiah?

Mahina namang natawa si Niraiah habang marahang hinahalo ang green tea niya habang hawak hawak ang kaniyang phone sa kabilang kamay. Her fever certainly cool down, but she still had a cold and cough so she can't go back to her work yet.

"Okay lang po ako, ma'am. Atsaka, baka seasonal flu lang 'to. Hindi ba nagsisimula na rin ang tag-ulan?"

-- Kahit na, ibig sabihin lang niyang bumaba ang resistensya mo labanan ang pagbabago ng panahon. Paano kung mag-quit ka na lang sa trabaho mo ngayon tas mag-apply ka na lang sa panibagong posisyon dito sa kumpanya para magkasama parin tayo?

"Edi nawalan ka ng Inventory Clerk," pabirong ani ni Niraiah. "Kaya nga nahihirapan din ako tanggapin ang mga promotion na nahuhulog sa akin ay dahil alam ko na mawawalan ka ng katulong. Yes, may posibilidad na may dumating na pwedeng omukupa ng pwesto ko, pero malalamangan ba nila ako?"

--… Ang yabang mo naman.

Malakas na natawa si Niraiah pati na rin ang kausap niya na si Mariel. Dahan dahang niyang binitbit ang tsaa niya saka umupo sa sala niya.

"No, but seriously, until I meet someone who is capable enough to occupy my place, I won't resign. Gusto ko lagi tayo magkasama." Sabi ni Niraiah habang dahan dahang sumisimsim sa mainit niyang tsaa. 

-- Hay naku, Niraiah. Hindi ka na bata. Learn to ba independent, you know? By the way, have you changed the ownership of the membership card I gave to you? I'm still receiving updates from the grocery so I wanted to ask.

Kamuntikan namang napabuga si Niraiah ng inumin niya bago mariing pinikit ang mga mata bago sumagot.

"Aasikasuhin ko na po siya bukas, ma'am, don't worry."

-- What do you mean? Saka na! Abah, may sakit ka pa. Kahit sa susunod na linggo na lang, magpahinga ka muna.

Hindi naman sumagot si Niraiah saka ininom ang kaniyang inumin. Magsisinungaling lamang siya kapag sumang-ayon siya sa ginang kaya hindi na siya sumagot.

Pero kahit naman hindi ipaalala ng ginang kay Niraiah, balak niya pa ring papalitan ang pangalan ng membership card niya. Sumagi rin sa isip niya na ipa-cancel ang card na binigay sa kaniya, pero bigla niyang naisip si Reious.

-- Anyway, I'll bid my goodbye now. Make sure to clear your schedule next month too, you'll come with me in AAAA City.

Hindi na nakasagot si Niraiah sa biglang anunsyo ng ginang nang mamatay ang tawag. Kunot noong tumingin sa selpon niya si Niraiah saka sinawalang bahala ang sinabi ng kaniyang ninang at inubos ang tsaang iniinom bago pumasok pabalik sa kwarto niya. Katulad na lang ng routine niya kahapon, matutulog ulit siya hanggang magising siya sa gutom, babawiin niya lahat ng tulog na pinagkait sa kaniya ng kaniyang trabaho.

***

"Ah, so hindi po pala kayo si Mariel, ma'am."

"Yes, name niya lang ang nakalagay sa ginagamit kong card kasi binigay niya ito sa akin."

"Talaga po ba? Hala, may nagtanong pa naman po ng name niyo noon tapos sabi ko po ang name niyo is Mariel."

Love In A Moment [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now