Chapter 14.

58 4 0
                                    

Chapter 14.

"Ugh! I can't sleep!"

Malakas na atungal ni Niraiah sabay tayo mula sa kinahihigaan niya. Kumuha siya ng isang jacket saka ito sinuot bago lumabas at nagpunta sa kusina niya para magtimpla ng kape.

Kahit may sakit siya, walang makakapigil sa kaniyang uminom ng kaniyang daily coffee. Pagkatimpla niya ay padabog siyang umupo sa sala niya. 

'What happened, I wonder…'

Takang tanong niya sa sarili niya habang sumisimsim sa kaniyang kape.

Niraiah was usually a fast-sleeper. She could sleep through anything, be it Signal No.5 Super Typhoon, 7.5 magnitude Earthquake, even a Tsunami-- which is impossible to occur since she's in the middle of a barren city.

Anyhow, it really confused her. Why can't she sleep?

Dapat nga mas mabilis pa siyang makakatulog ngayon kasi may sakit, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, buong sistema niya ay gising at kumikibot-kibot.

"Naiinis na ako." Sabi ni Niraiah habang umiinom ng kape. Totoo nga na nakakaramdam na siya ng inis dahil sa hirap niya sa pagtulog, pero nainom parin siya ng kape.

'Ah! Oo nga pala,'

Napatingin si Niraiah sa selpon niyang nakapatong sa maliit na center table ng sala niya nang may maalala siya.

"Sabi ni Reious tatawagan niya ako…" Mahinang sabi niya nang maalala ang binatang naghatid at nagalaga sa kaniya noong mga nakaraang araw.

It's been three days, and the last contact she received from Reious was the night after she told him to not care too much about her. Kinabukasan din non, may dumating na delivery rider na naghatid sa kaniya ng pagkain. 

Kahit sinabihan na ni Niraiah si Reious na tigilan ang pagiging sobrang mapag-alaga nito sa kaniya, mukhang hindi pa rin siya natiis ng binata na padalhan ng pagkain upang masiguro na may makakain ito.

'Do I look like someone who doesn't know how to cook?'

Sure, Niraiah is not that good at cooking, but she cooks decent foods enough to satisfy herself. Satisfying others with her cooking is another matter of its own.

Pero kahit ganon pa man, hindi parin mapigilang magtampo ni Niraiah.

'Now I am not sure what to do. Sabi na kasi wag na siya maging masyadong mabait, ayan tuloy, nakokonsensya ako.'

Pakiramdam niya kasi ginamit niya lang si Reious tapos nung hindi na niya ito kailangan, pinagtabuyan niya ito, kahit ang totoo naman ay siya ang nagpresintang ipagamit ang sarili niya sa kaniya. But even with that fact, Niraiah was still bothered.

Siguro iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog. Iniisip kasi niya si Reious.

Kaya walang pagdadalawang isip na tinawagan niya ito gamit ang numerong sinave mismo ng binata sa kaniyang selpon. Habang pinapakinggan ang dialing sound ng kaniyang selpon, saka niya lang naalala na magha-hating-gabi na at malamang sa malamang ay tulog na ang tao. 

Pero nawala ang pangamba niya nang isang preskong boses ang sumagot sa kaniya.

-- Hello?

Hindi naman kaagad nakapagsalita si Niraiah nang marinig ang boses ni Reious. She closes her eyes and massaged the center of her brows.

"That shocked me, gising ka pa?" Hindi niya napagilang tanong kay Reious.

--… Ikaw kaya ang tumawag.

Love In A Moment [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now