Chapter 2: Girl's dorm

524 23 9
                                    

                           Vivienne

Nasabi ko na bang, ang ganda ng university na ito? Mukhang hindi pa. Everest University is so damn beautiful, sa bawat madadaanan mo ay may mga bulaklak at halaman. Wala ka ding makikitang mga kalat.

And also, may dorm na kami dito sa loob ng university. Nasa left ang boys dorm and nasa right ang girls dorm. And now, I'm fucking calming myself because my two roommates are so damn noisy.

"Vivienne! Ang astig mo! Pinanood ka namin ni Jamie!" Samantha shouted and niyugyog pa ang braso ko.

I glared at her kaya nag-peace sign siya at nag-sorry.

"I'm going," I said and get out of that room.

I know I'm being rude but I just don't want them to be my friend, ayokong mapalapit sila sa'kin at mapahamak lang.

Nakapamulsa akong naglalakad papunta sa classroom. Nakasabit ang bag sa kanang balikat, may subong lollipop at magulo ang necktie habang nakalugay lamang. Ganoon naman lagi ang ayos ko, wala na silang pakialam kasi wala din akong pakialam.

Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa sinabi ng Aiven na iyon. Nakakaasar kaya kailangan kong makabawi.

Nang malapit na ako sa classroom ay umiling na lang ako. Ang ingay kasi kaya sinuot ko ang headset ko at pumasok na. Ramdam ko ang pagtigil at pagiging tahimik nila. Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa upuan.

Aiven is laying his head down at the table. Umupo na ako at mataray na tumingin sa mga kaklase kong nakatingin pa rin sa'kin.

I know that I'm beautiful, no need to stare like that.

"May dala akong kutsilyo, gusto niyo?" pang-aasar ko sa mga babaeng masasama ang tingin sa'kin.

Hindi naman kasi nila ako mapapatay sa masasama nilang titig kaya nag-recommend na ako ng kutsilyo. Umiwas naman na sila ng tingin kaya nag-sariling mundo na rin ako.

Aasarin ko pa ba 'tong isang 'to? Para naman makabawi lang ako. Ayokong naaasar ako at hindi nakakabawi kaya kailangan kong bumawi.

Tumingin ako kay Aiven na nagbabasa na ng libro ngayon. Nakasandal siya sa upuan at trip ata akong gayahin ng isang 'to, magulo din ang necktie. Pang-aasar lang ang gagawin ko atsaka hindi din naman ako attracted sa lalaki, sa babae lang.

Shh.

"How's my future husband doing?"

Muntikan na akong mapangisi nang natigilan siya sa pagbabasa at tumingin sa'kin. Tinitigan niya ako at ningisian.

"I'm doing fine my wife, how's our twins?" pagbabalik niyang asar sa'kin at nilapit pa ang mukha sa'kin.

Naasar naman ako dahil doon. Argh! Dapat ako ang nang-aasar! Hindi dapat ako ang inaasar!

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi kahit gusto ko nang masuka sa ginagawa ko.

Nawala ang ngisi sa labi niya at seryosong nakatingin sa'kin.

"Hinahanap ka'na nila, you're making yourself busy this past few days. Ayun miss ka'na ng mga anak mo," kunwari ko pang nagtatampo.

Pucha, nasusuka na ako. Bakit ko pa kasi naisipan na ito ang ipang-asar sa kaniya? Kasi lalaki siya? Tsk, tsk. You're so dumb Vivienne.

Hinawakan niya ang kamay ko at agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa pagpitik niya sa noo ko. Hindi na nakaligtas ang ilong ko at kinurot pa niya ito.

"Hindi ka mananalo sa'kin," pang-aasar niya at umiling.

Tinaasan ko siya ng kilay. Bumaba ang tingin ko sa under ng table niya at may nakitang maraming pack ng banana milk na wala ng laman. Ngumisi ako at ngumiti sa kaniya.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon