Chapter 29: It's showtime 2.

112 11 4
                                    


Vivienne



It's really showtime. Lahat ng mga baril ay nakatutok sa amin, ganoon din kami sa kanila. They are wearing a black mask so we can't see their faces. But the man in the middle, we can see his devilish smirk.

"Why do you need to hurt innocent people? We're just here, waiting for the all of you to attack us," I said and the man in the middle chuckled.

"Then there will be no thrill baby," he said and I can sense Aiven is jealous. I held Aiven's hand while my right hand were holding my gun and pointing it at them.

Tumingin ang lalaking nasa gitna sa kamay namin ni Aiven na magkahawak. Kumunot ang noo ko nang mawala ang ngisi niya at bigla na lang magpaputok sa gilid namin kaya nagputukan na silang lahat ng baril. Akmang lalapitan ko na ang lalaking leader nila nang bigla akong tinulak ni Aiven. Nagulat ako dahil sa ginawa niya at nang tumingin ako sa aking likod ay nakitang may babaeng nakaputi na lace up dress, nakamaskara siyang kulay itim at nakangisi sa akin.

Tumingin ako sa hawak niya at napangisi na lang. May hawak siyang baril sa kanan at isang kutsilyo sa kaliwa. Inayos ko ang maskara ko at nanatiling nakatayo sa pwesto ko.

"Scared?" she then suddenly asked but I just chuckled at her and didn't say anything, which made her more upset and attacked me.

Umiwas ako nang akmang sasaksakin niya ako sa balikat. Umiwas din ako nang nagpaputok siya ng baril para matamaan ako sa dibdib pero naiwasan ko iyon at seryosong iniiwasan at pinag-aaralan ang mga galaw niya. Naramdaman kong may susugod sa likod ko kaya mabilis akong umikot patalikod at sinipa nang malakas ang lalaki sa kaniyang mukha. But my forehead creased, hindi man lang natanggal ang maskara.

Napasinghap ako nang muntikan na akong masaksak ng babaeng kalaban ko, nadaplisan ako sa balikat at tumulo naman ang dugo sa braso ko. I coldly stared at the woman who's now laughing while looking at my wound. Tsk, iniingatan ko ngang hindi masugatan para walang gawin si Aiven na hindi ko alam.

Dahil napag-aralan ko na ang mga galaw niya ay kinuha ko ang pagkakataon, habang tumatawa siya ay pinaputukan ko siya sa kaniyang hita at napasigaw siya sa sakit. Napaluhod siya kaya wala na akong sinayang na oras at sinampal siya nang malakas sa mukha. Napangisi ako nang makatayo pa rin siya at akmang hihilahin ang buhok ko pero umiwas ako at sinipa ang baril na nasa kanang kamay niya, tumilapon iyon malayo sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin at muling sinugod.

I glanced at Eli who's protecting Charm, tumingin ako kay Charm na nakikipaglaban din habang nasa likod siya ni Eli. I looked at my cousins and non-royal whites na walang awang binabaril ang ibang dumarating pa na mga blacks. Umiwas ako sa atake ng babaeng kalaban ko at sinipa siya sa dibdib niya na nagpahiga sa kaniya. I lastly looked at Aiven, hindi ko siya makilala ngayon. Sobrang lamig ng ekspresyon niya habang nakikipaglaban sa lalaking malamig din ang ekspresyon at hindi nagpapatalo kay Aiven.

Nanlaki ang mata ko nang muntikan na akong mabaril sa balikat at mabuti naman ay naiwasan ko ito. I looked around but lahat ay busy sa pakikipaglaban. I looked up at the second floor and saw a man in black, pointing a sniper at me. Hindi na ako nag-abalang mag-asinta at malakas na binato ang kutsilyo ko sa lalaking muntikan na akong mabaril. Tumama iyon sa dibdib niya at nakitang nakataas pa rin siya. I gritted my teeth and looked at the woman who's now going to attack me again.

Binato niya sa akin ang kutsilyo niya pero madali ko lamang itong nasalo sa pagitan ng dalawang daliri ko. Lumapit ako sa kaniya at sinabunutan siya na nagpasigaw sa kaniya. I pointed my gun at her heart but I won't kill her.

"Now tell me, who are you?" I asked at ngumisi naman siya sa akin kahit nasasaktan na sa mga dugong lumalabas sa kaniya at sa pagsabunot ko.

"I-I'm the woman w-who harassed and k-kidnapped your l-lover boy," she said and that made me laughed.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon