Special Chapter

244 3 2
                                    

Vivienne

"Mom! Take Dad away from me!"

I sighed, nagpameywang ako sa harapan ng mag-ama ko. Sinamaan ko ng tingin si Aiven na kanina pa kinukulit ang anak naming si Terious Avien Ruzzo, kinukulit niya kasi kung may crush na ba ang anak namin.

"Love, stop it," pagsermon ko sa asawa ko, he frowned but I glared at him so he smiled at me and let go of our son.

"Finally! I'm going to sleep, Mom and Dad. Gumawa na lang kayo ng new sister namin," nakangising sabi pa ni Terious at sinarado na Ang kwarto niya. I felt my face reddened because of what my son said.

Manang-mana sa Tatay.

I was about to walk but someone hugged me from my back and put his head on my neck.

"You heard what our son said? Let's make Valerie," Aiven huskily whispered kaya kinurot ko ang tagiliran niya kaya umaray siya.

"Namumuro ka'na Aiven Sherwood Ruzzo, we already have two kids!" nakakunot ang noo kong sabi at nagpameywang sa harapan niya. He smiled and raised his two hands like surrendering.

"Opo love," nakanguso niyang sabi kaya ngumiti ako at ni-tap ang ulo niya.

"Good boy––"

Napatigil ako nang may yumakap sa binti ko. I looked down and saw our beautiful daughter, Averie Shendal Ruzzo. Humihikab pa siya at mukhang inaantok kaya ngumiti ako at binuhat siya.

"Why are you here, hmmm?" I softly asked and kissed her cheeks, she giggled and put her head on my neck.

Mana sa Tatay.

"I'm still sleepy po but you and Dad we're not around," inaantok niyang sabi kaya tumingin ako kay Aiven na nakatitig sa amin at nakangiti.

Lumapit siya sa amin at kinuha sa akin si Averie, sumama naman siya sa Daddy niya at yumakap.

"Let's go back to our room then," he whispered, buhat ni Aiven gamit ang kanan niyang kamay ang anak namin, while his left hands were on my waist.

Naglakad na kami papunta sa kwarto namin, akmang ihihiga ni Aiven si Averie sa isang higaan pero pinanlakihan ko siya ng mata kaya nakanguso siyang hininga si Averie sa kama naming tatlo. Humiga na kami at nasa gitna namin ang prinsesa namin, I hugged my daughter and was about to sleep but Aiven is just so clingy.

"Love, where's my goodnight kiss?"

Sinamaan ko ng tingin si Aiven na nakanguso at hinihintay ang halik ko. "Ang ingay mo, may mission pa tayo bukas–"

Napatigil ako nang halikan niya ako nang mabilis sa labi. I looked at him and he's now smiling while hugging our daughter and his eyes were closed.

"Goodnight love, I love you," he whispered and I smiled.

"Goodnight love, I love you more."

After years of being with Aiven, we have our first son. Terious Avien Ruzzo, he's already 12 years old and our princess. Averie Shendal Ruzzo, she's already five years old but she already knows how to speak fluently in english. I'm so lucky to have them, I'm so lucky to have my husband.

I love you more, Aiven Sherwood Ruzzo.


Elijah

"Anak ka talaga ng tokwa Elijah!"

Pilit akong ngumiti sa asawa ko at napakamot sa batok. Nanlaki ang mata ko nang habulin niya ako habang hawak ang sleepers niya. Agad akong tumakbo habang ang anak naming 1 year old ay tinatawanan ako.

"Babe naman! Wala naman akong ginagawang masama––"

"Anong wala?! Ginawa mong clown ang anak na'tin! Look at his face!" galit na galit na sigaw ng asawa ko at tumigil sa paghabol sa akin kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

I looked at our son who's enjoying the show. Napangiti ako dahil tinatawanan kami ng anak namin.

"Babe naman, pogi kaya ng baby na'tin––"

"Sa sala ka matulog."

Nanlaki ang mata ko at niyakap siya nang mahigpit. "Babe naman! Huwag kang ganiyan, hindi na tayo makakabuo ng pangatlo––"

"Tigilan mo 'ko Elijah!"

Napanguso na lang ako at napatingin sa pinto ng playroom. Dumating ang una naming anak na lalaki rin, napailing na lang si Hans na una naming anak habang lumalapit sa mom niya at niyakap ito.

"Mom, kalma," natatawang sabi ni Hans sa Mom niya at sinamaan naman siya nito ng tingin kaya tumawa din ako.

Akala mo ako lang? Damay-damay na 'to.

Napahawak sa noo si Babe ko at lumakad papunta kay baby Red namin. Binuhat niya si baby Red at pumunta sa pintuan.

"Magsama kayong mag-ama," sabi ng asawa kong laging galit sa akin at iniwan kami.

"Babe!/Mom!" sabay naming sabi ng anak ko at nagkatinginan.

Napailing na lang sa akin ang anak ko kaya lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya.

"Gusto mo ng baby sister?" nakangiti kong tanong at ngumiti naman siya bago tumango.

"Yes Dad, but it's Mom's choice," he said and shrugged that made me smile even more.

"Tama ka, desisyon ng Mama mo kung gusto pa ba niyang magkaanak dahil siya ang nabubuntis at nahihirapan hindi ako. Kaya hintayin na'ting si Mom mo ang pumayag na magkaroon kayo ng baby sister," nakangiti kong sabi at tumango naman si Hans bago tumingin sa akin.

"I want a girl like mom and I'll treat her like how you treat mom, like a queen."

"That's my son."

Mana talaga sa akin ang anak ko, gwapo na nga, green flag pa. Saan ka pa!

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon