Chapter 32: Obsession.

143 4 0
                                    

Vivienne

"I tried to check the names of their staffs, punit na ang record at mukhang sinadya ang punit."

I walked towards Eli na nakaupo sa harap ng computer at monitor ngayon. Ganoon din sila Charm at Aiven. Hinahanap namin ngayon kung sino ang lumason sa biktima noong isang araw. Pinakita sa akin ni Eli ang record paper at oo nga, punit ito. Kinuha ko ang record paper at pinakatitigan ang punit na bahagi ng papel.

"Wariel, Wariel lang ang nakikita sa papel," sabi ko at agad naman kumilos si Eli at nagpindot-pindot sa computer.

"Found him!"

We all looked at Aiven nang sumigaw siya. Lumapit kaming tatlo sa kaniya at tumingin sa monitor niya. Nakalagay sa monitor ang lahat ng information ni Wariel at nakanganga na si Eli ngayon habang nakatingin sa monitor ni Aiven.

"Ang bilis mo! You're so daya, habang sa akin ay naglo-loading––ayan, ngayon pa lang lumabas," nakangusong sabi ni Eli kaya napailing na lang ako at tumingin sa monitor ni Eli.

Lumabas din ang information ni Wariel sa monitor niya. Tumingin muli ako sa monitor ni Aiven at binasa ang information ni Wariel.

"Wariel Jed Vandel, 23 years old. Owner of the most known restaurant in the Philippines and he's the Chef in his own restaurant. But," huminto ako saglit at napangisi nang mabasa ang iba pang impormasyon na alam kong kami pa lang ang makakaalam.

"An ex-convict, mayroon siyang ni-rape na babae and the girl's name is Cali Nyx Jandera," sa bawat basa ko sa information ni Wariel ay nanggigigil ako.

Hinawakan ni Aiven ang kamay ko kaya medyo kumalma ako. We need to talk to Cali Nyx Jandera. Baka may alam siya at matulungan niya kaming mahuli ang demonyong Wariel na iyan. But of course, I won't let her be in danger. Tumingin ako sa hitsura ng Wariel na demonyo. Oo gwapo, pero wala pa ring makakatalo kay Aiven. Malamig kung tumingin at may sugat sa gilid ng kaniyang mata.

"Nakita ko na din siya."

Tumingin kami kay Charm at lumapit sa kaniya. Tumingin kami sa monitor niya at nakitang CCTV footage ang nasa monitor ni Charm. Pinindot niya ang camera 1 at nakita nga namin ang isang lalaki na nagpapalit ng pang-itaas na damit habang naglalakad papunta sa isang sports car na kulay itim. Halata sa kilos niya ang pagiging marangya. Umalis na ang kotseng sinasaktan niya kaya nilipat ni Charm ang footage sa camera 2 hanggang sa mapadpad kami sa camera 5 at kumunot ang noo namin nang makitang huminto siya sa tapat ng flower shop.

Nakita namin may lumabas na babae sa flower shop and she's beautiful, not to lie. Napatingin ako kay Eli na biglang tumakbo sa monitor niya at nagta-type doon. 

"Siya si Cali Nyx Jandera! The girl he raped!" sigaw ni Eli kaya napatingin ang dalawa sa kaniya.

Napahawak ako sa baba ko at tumingin sa CCTV footage na nasa camera 5 pa rin. I looked at the girl na walang alam na may nanonood sa kaniya.

"So this Wariel guy is obsessed with Cali girl, I think?" I asked while staring at the CCTV footage.

"That's possible, he raped Cali Nyx Jandera so it's possible na obsessed talaga siya sa kaniya," Aiven said and we both agreed.

"So, it's 99% na kasama siya sa Black Mafia and 1% na inutusan lang siya ng Black Mafia?" Charm said and I shook my head.

"No, there's a 100% chance na Mafia Black siya and I'll prove it," I said at tumango naman sila.

"Let's go then, puntahan natin si Cali Nyx Jandera," Eli said kaya nagbihis na kaming lahat at ni-lock ang mga bintana, pinto sa condo.

Dumaan muna kami kay Nanay at nagpaalam sa kaniya. Naglilinis na naman siya ng mga rooms sa condo kaya sinermunan namin siya nang kaunti na magpahinga. Pagkatapos ng sermon ay pumunta na kami sa sasakyan namin na Van at sumakay. Si Aiven na ang nag-drive kaya nasa passenger seat ako at hawak niya ang hita ko habang ang kaliwa niyang kamay ay nasa manubela. Habang ako ay busy sa phone ko.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon