Chapter 40: Revealing X.

140 2 2
                                    

Vivienne

"Love, you done?"

Napakagat ako sa labi ko habang nakatingin sa sarili. Pasukan na ulit at tapos na ang sembreak. Nakasuot na ako ng uniform namin at si Dave naman ay doon din mag-aaral sa Everest University. But I know he's not in the HUMSS course, gusto kasi niya maging engineer so baka sa ABM-12 siya and he's already grade 12 student.

"Yeah," sagot ko at binura sa isip ang nangyari kahapon. May nanghahalik bang ex?!

Lumabas na ako ng banyo at ngumiti naman siya sa akin bago ako hinapit sa baywang at tinitigan ang mukha ko. I felt uncomfortable, I should be comfortable with him pero hindi ko alam ang pakiramdam ko.

"You're so beautiful, love," he said and I just smiled at him.

Oh ayan ka'na naman, porket sinabi lang ng ex mo dati na you're so beautiful, love. Putcha, umalis ka'na sa isipan ko. Lumabas na kami sa condo at sumakay sa kotse niya. Naghahanap din ako ng tyempo para makatakas kay Dave, pupunta na ako sa mansion para makapagplano na kami.

Nasa hita ko ang kamay ni Dave, naiilang man ay hinayaan ko siya dahil kailangan ko siyang imbestigahan at pakisamahan. Baka malay mo, siya na pala si X tapos naghirap pa kami sa paghahanap. Pagpunta namin si University ay wala ng pakalat-kalat na estudyante, maybe they are already starting classes.

Hawak kamay kami ni Dave na pumunta sa room ko. He said na ihahatid niya ako sa room ko kaya pumayag na lang ako. Pagdating namin doon sa harap ng pinto ay napatingin sa amin ang lahat ng kaklase ko, lalo na sila Charm, Eli at ex. Umiwas ako ng tingin kay ex at ngumiti kay Dave.

"I'll pick you up later," he said and I was shocked when he gave me a peck on my lips. He smiled. "Study well, love," he said at umalis na habang ako ay napapalunok na pumasok sa room.

Inayos ko ang pustura ko at walang emosyon na naglakad papunta sa pwesto ko. Katabi ko si ex malamang, pati na rin si Eli. Si Charm naman ay nasa harapan lang naming tatlo. Walang nagsalita sa amin, I glanced at ex but agad akong umiwas ng mahuli siyang nakatitig sa akin nang mariin habang nakapahalumbaba.

Iba na rin ang nagtuturo sa amin, Sir Dane probably gave his full honesty to the Mafia Black. Ngayon lang ako kinakabahan nang ganito kapag tinititigan kaya tumingin ako kay Eli.

"Eli," tawag ko sa kaniya, he looked at me and raised his eyebrows. Oh, galit pa siya sa akin. "Pwede tayo mag-palit ng pwesto?" I asked and he rolled his eyes.

"No, huwag kang maarte. Diyan ka'na lang," masungit niyang sabi kaya napasimangot ako at nakinig na lamang sa guro.

Habang nagdi-discuss si Ma'am ay nagulat kami nang biglang may magsigawan sa kabilang section. Napatayo din kami nang magtakbuhan sila kaya mabilis akong umapak sa lamesa namin para makadaan at tumakbo palabas ng room. Ramdam ko ang pagsunod ng tatlo sa akin, pati ang mga kaklase namin ay nakiusyoso.

Lumapit ako sa classroom at nakitang may babaeng nakahandusay sa sahig. Nagsuot ako ng hand gloves at napatingin sa bintana, may basag iyon at nang lapitan ko ang biktima ay binaril siya sa ulo. Tumingin ako sa tatlo at nakitang umiwas ng tingin sa bangkay si Charm. Hindi ko na muna sila pinansin at nilapitan ang bangkay.

"Eli, paki-check sa labas kung nandoon pa ang suspect," utos ko kay Eli at kahit alam kong galit siya sa akin ay sinunod naman niya ako.

Tamang-tama ang bala sa gitna ng noo niya. Nanliit ang mata ko nang parang may tatak ang bala na naka-ano sa noo niya?

"Mafia Black."

Tumingin ako sa katabi ko at si ex iyon, may gloves siyang suot at hawak niya ang isang dagger na may tatak ng lady justice pero walang takip sa mata, may baril na hawak at hindi pantay ang parang timbangan na hawak niya. Nakababa ang isa at nakataas ang isa.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon