Chapter 3: Got kidnapped.

340 16 1
                                    

                           Vivienne

It's been one week and naging payapa naman ang isang linggo na iyon. Walang case pero sa isang linggo na iyon ay ang simulang pag-layo ko na rin kay Aiven. I act cold towards him, inaabangan pa niya ako sa paglabas ko at sinusubukan akong kausapin but gumagawa ako ng paraan para matakasan siya.

I don't know what's up to him at pilit akong kinakausap kahit na ayaw ko siyang kausapin. He's the type of man who doesn't care about people, wala siyang pakialam sa mga tao pero ewan ko kung bakit bigla na lang 'yun naging ganoon.

Lahat ng tao sinusubukan kong iwasan. I don't want that to happen again. I held my necklace while looking at myself in front of the mirror. Tinago ko ang gintong kuwentas na sobrang importante sa'kin sa loob ng uniform ko at malamig ang ekspresyon na umalis sa dorm at nagsimulang maglakad papunta sa classroom.

Umugong ang pangalan naming dalawa ni Aiven. Well, he's famous naman na dati pa dahil isa nga siyang high school detective dito and me? I don't know if I deserve that detective name thingy.

I miss someone, someone very important to me. And that person own my heart until now. Kailangan kong makuha ang hustisya ng pagkamatay niya, I maybe chilling here right now but bumubuo na ako ng plano para mahanap sila.

Late na ako alam ko iyon dahil ako na lang ang naglalakad sa hallway. Nang malapit na ako sa classroom ay nagulat ako nang may biglang nagtakip ng panyo sa mata ko at pinang-takip ang kamay sa bibig ko.

"Who–hmmmp!" Hindi ako makapagsalita dahil sa kamay niya and when I smell this person's scent ay napakuyom ang kamao kong mahigpit niyang hawak kaya hindi ako makatakas.

Naramdaman kong umakyat kami at tumigil na sa paglalakad kaya agad ko siyang siniko at tinanggal ang panyo sa mata ko at ang kamay niya sa bibig ko.

"What the heck Aiven?!"

He didn't say a word, matalim ang matang tinignan ko siya. Why would he just kidnapped me?! Tumingin ako sa paligid at nagulat nang makitang nasa clubroom namin niya ako dinala. I raised my eyebrows at him when he locked the door kaya hinanda ko ang sarili ko sa mga gagawin niya.

"What the fuck are you doing–"

I stopped talking when he suddenly hugged me. Nagulat ako dahil sa ginawa niya pero binalik ko sa walang ekspresyon ang aking mukha. I pushed him and successful naman ako. He's glaring at me na parang may kasalanan ako.

"What's wrong with you Vivienne? You've been ignoring me this past week! You've been acting cold towards me, towards your dorm mates! Lagi kang wala sa sarili, tell me. Do you have a problem?" Nahimigan ko sa boses niya ang galit kaya hindi ako nagsalita.

I stared at him. Straight to his mad eyes.

"Say your problem to me, I will listen. Okay lang sana na sila ang hindi mo pansinin pero kasama ako! You're ignoring me and I don't know why! You're making me crazy and I can't sleep without thinking why are you ignoring me! Please tell me your problem, I'm your friend–"

"Wala," pagpuputol ko sa kaniya na mas lalo niyang ikinagalit.

"Vivienne–"

"Can you stop acting like my boyfriend? And I'm ignoring you because I'm ignoring you, that's it! Okay na?" galit kong sabi sa kaniya.

Nainis ako sa pinag-aakto niya. He's not my boyfriend to be mad like this. Kaibigan? I want to be his friend but it's too risky and dangerous for him to be close with me.

He looked at me with no expression. "I'm not acting Vivienne, because I'll be your boyfriend soon. Mark my words."

And after he said that, he left me in our clubroom alone. My mouth hang open while staring at the door where he exit. Wait, uminom ba siya ng drugs? Can someone tell me that Aiven is just sick today kaya niya nasabi 'yon? Maybe he is sick.

He's been strange this past week. Nagiging madaldal na siya kapag kasama ako. But he will be silent kapag may kasama kaming ibang tao, laging natabi sa'kin at magpalibre nv banana milk at wala namang bago doon pero. Hatid at sundo niya lang naman ako sa dorm!

Lagi niyang sasabihin na huwag kong kakalimutan na mag-lunch, breakfast and dinner. And of course he's my friend kaya siya ganoon. He's worried because we're friends but it's too dangerous for him. Ayokong madamay siya sa gulong pinasok at papasukin ko pa lang.

Laban ko lang ito at ayokong isama ang kaibigan ko. Ayokong may madamay sa paghihiganti ko. My love in heaven must be waiting na makamit ang hustisya niya.

Just wait my love, magbabayad din sila sa pagpatay nila sa'yo. I'll make sure of it.

Natatakot din ako na baka makita ni Aiven ang tunay na ako at layuan ako. Naging kaibigan ko na siya at ayokong masira ang tiwala niya. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin and back to the topic.

What's with him? Kumain naman siguro iyon ng breakfast niya. He's must be kidding, maloko din kasi ang isang iyon kaya posibleng inaasar niya lang ako. And if he's saying the truth, I won't let that happen. Hindi siya ang magiging boyfriend ko at hinding-hindi niya ako magiging girlfriend. Period.

I shook my head and made my way towards our classroom. Pero nasa hagdan pa lang ako ay may tumakip na naman ng mata ko.

Aiven–wait..

"You need to die, he's mine."

After I heard that six words, ramdam ko ang isang patalim na nakatusok na sa tagiliran ko. Napa-daing ako sa sakit pero nagawa ko pa rin siyang sikuhin nang malakas at sinuntok sa mukha pagka-harap ko.

And when I looked at her face I frowned. Bakit sa dinami-daming magsasaksak sa'kin ay 'yung ssg president pa namin?

I punch her face and gave her an upper cut and make my high round kick. Napabagsak ko siya pero nakagat ko ang labi ko nang magsimulang sumakit ang saksak sa'kin.

"Tsk, tsk. Get her."

Hindi na ako nakalingon dahil may nagtakip na sa aking bibig ng isang panyo at nang may maamoy ako ay nanlaki ang mata ko. Bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang huli niyang sinabi.

"This woman is mine."

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon