Chapter 10: Dave?

232 10 1
                                    

Vivienne

"Huwag ka nang sumama."

"No, I'll come with you."

Pinagbabaril ko ang mga lalaking armado. Dave is on my back pero nagkahiwalay kami dahil sa dami ng kalaban. Ayokong ipasama siya kahit misiyon namin itong dalawa pero makulit siya.

"Vivienne! Sa likod mo!"

Hindi pa ako nakakaiwas nang makarinig ako ng malakas na pagputok ng baril. Nang tignan ko ito ay nanginginig ang tuhod kong napaluhod at napaiyak.

"L-Love naman!" sigaw ko at pilit siyang tinayo.

Nakatayo siya pero umuubo na ng dugo. Sa tagiliran siya natamaan ng bala. Napatingin ako sa mga paparating pa na kalaban. Shit! Hindi namin kaya 'to.

"Love, u-umalis ka'na dito."

Tumingin ako kay Dave at umiling. "Hindi ako aalis nang hindi ka kasama!"

Agad ko siyang nilapitan nang manghina siya at umubo ng dugo. Naluluha na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"T-Tara na, tumakas na tayo," naluluha kong sabi pero umiling lang siya at binaril ang mga lalaki na palapit sa amin.

"G-Go, haharangan ko sila-"

"Hindi ako aalis! Dito lang ako-"

"Love please! Ayokong mapahamak ka! Please makinig ka sa'kin," pagpuputol niya at pinunasan ang luha ko.

Umiling-iling ako at galit na pinagbabaril ang mga lalaking papalapit sa'min. Hinawakan ni Dave ang pisngi ko at mabilis akong hinalikan sa labi. Madiin akong napapikit.

"Humingi ka ng tulong, I love you Vivienne," he whispered and pushed me away from him.

Ngumiti siya sa'kin at nag-flying kiss. "G-Go na."

Umiiyak akong tumakbo pero nang makarinig na ako nang sunod-sunod na pagputok ng baril ay babalik na sana ako pero huli na ako. May sumabog na bomba.

"DAVE!!"

"Dave!"

Mabilis akong napabangon. Basa ng luha ang pisngi at habol ang hininga. Napaginipan ko na siya, huling pagdalaw niya sa panaginip ko ay noong bago ako mag-transfer dito. Napaiyak ako at napasabunot.

"I love you too, Dave," I whispered and cried the hell out of me.

Hindi ko pa makuha ang hustisya ngayon Dave, hindi ko pa sila nakikita. Pangako, gagawa ako ng paraan. Makakamit mo ang hustisya Dave, magkakamatayan kami pero hindi ko hahayaan na mamatay ako. Sila muna ang dapat na mauna bago ako.

I stood up and fixed my bed. I walked towards the bathroom and cleaned myself, nagsuot ako ng pantalon at malaking t-shirt. Nag-impake na rin ako ng mga damit, swimsuit and more. After I ready my things, lumabas na ako ng kwarto at kumatok sa kwarto ni Aiven.

"Aiven?" I called his name but no response.

Pumasok ako sa kwarto niya dahil hindi naman naka-lock. Napailing na lang ako nang makitang tulog pa siya. Lumapit ako sa kaniya at tinitigan ang kaniyang mukha. Nakadapa siya ng higa at nakaharap sa'kin ang mukha. Ang gwapo niya, mukhang anghel kapag tulog pero kapag gising unggoy na unggoy.

Nakakumot siya at mabuti na iyon dahil mukhang wala siyang damit pang-itaas. Natulala ako habang tinitigan siya. Ganiyan din lagi ang higa ni Dave, nakadapa laging matulog si Dave. Tinitigan ko ang mukha niya at dahan-dahang hinawakan. Kamukha mo siya, bakit mo siya kamukha? Ka-ano-ano mo si Dave?

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon