Chapter 17: Revelations?

171 5 1
                                    

Vivienne

"Kuya bakit sa private island ko?! I thought sa private island mo?!"

Napakamot sa batok si Kuya at tumingin sa mga estudyanteng nagbubulong-bulongan na habang nakikinig sa sigawan namin ni Kuya. Masama ang tingin ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag at malamig akong tinitigan.

"Kuya, alam mo namang nandito ang libi–"

"That's the point Vi," pagpuputol ni Kuya sa sasabihin ko.

Napapikit ako sa inis at hinila siya malayo sa mga estudyante. Si Kuya Mom and Dad lang talaga ang kaya akong pasunurin, kasama na doon si Aiven. Humarap ako sa kaniya at masama siyang tinignan pero ganoon pa rin ang tingin niya malamig.

This is what I hate about Kuya, he will do everything just for me to move on.

"Vi, it's been five fucking years! Hahanapin at ipapakulong naman natin ang pumatay sa kaniya–"

"That's not the damn point! Hindi ko kayang mag-move on dahil mahal ko siya!" galit na sigaw ko sa kaniya pero sarkastiko siyang ngumisi.

"Do you still really love him Vi?" he asked and that made me speechless.

Nakipagtitigan ako kay Kuya. I still love him, hindi magbabago iyon. I love him and that's it. Period.

"Yes–"

"Don't make me investigate you Vivienne Mstrielie Martinez. Alam mong hindi mo na siya mahal, you love Aiven!" sigaw niya na nagpatawa sa akin ng sarkastiko.

Tinaliman ko ang titig sa kaniya. "He's just my friend–"

"I don't believe you Vi, please don't be so indenial. Nagsisimula na ang mga Black Mafia, hindi natin alam kung sinong isusunod niya. Maybe Aiven? Me? Mom or Dad, pwede rin ang mga estudyante at pinsan natin Vi," nagmamakaawang sabi ni Kuya at ginulo ang buhok nito. "All I want to say is, enjoy your life before the real war between the two Mafia clans starts. Lahat idadamay nila para masaktan ka, tayo."

Napatitig ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. Ano namang connect? Ayokong mahalin si Aiven dahil sa sabi lang ni Kuya, gusto ko siyang mahalin kapag totoong pagmamahal na ang nararamdaman ko sa kaniya.

"Also, dito kayo sa isla mo dahil ligtas kayo dito," mahinang sabi ni Kuya kaya bumuntong hininga ako.

"I don't think so Kuya," malayo ang tingin kong sabi at tumalikod na sa kaniya. "I need to go, hinahanap na ako ni Aiven."

Lumakad na ako paalis doon pero napahinto ako nang magsalita siya.

"Friends lang pero nag-aalala ka na baka hinahanap ka'na niya–"

"Shut up."

Tinawanan niya lang ako kaya pikon akong iniwan siya. Pumasok na ako sa loob ng mansion or should I say castle. Palasyo na ito kung ituturing dahil sobrang laki nito at maraming kwarto. It has five floors with an elevator. Buti na lang talaga at nasa underground ang mga tinatago kong hindi nila pwedeng makita.

Pagkapasok ko pa lang ay nagkalat na ang mga estudyante, picture doon at picture dito. Hindi na ito private island dahil sigurado akong ipo-post nila iyan sa social media. Napailing na lang ako at hinanap si Aiven pero napahinto ako nang makita si Zeus kasama si Aiven at lumabas kaya pasikreto ko silang sinundan. Huminto sila sa gilid kaya nagtago ako sa likod ng coconut tree.

"Now what?" I heard Aiven irritatedly ask.

"Why? I just want to talk to my little brother," rinig kong sabi ni Zeus at kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Zeus ay nakangisi na ito panigurado dahil alam niyang napipikon na si Aiven.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon