Chapter 30: Lily Of The Valley.

112 5 3
                                    

Vivienne


"Can you stop? Isa pa Aiven."

Kung hindi ka tumigil, wala na angas ko. Wala naman na talaga angas ko and thanks to you! Huminga ako nang malalim nang hindi pa rin siya umaalis sa pagkakayakap sa akin. I like the way he's been clingy towards me, I don't know, parang mababaliw ako kapag huminto siya sa pagiging ganito sa akin.

"I don't want, iiwan mo na ako? I have a condo and we can stay there, please love," he whispered and hinigpitan ang yakap sa akin.

I sighed. "Aiven, sem break na natin. Isang linggo lang naman––"

"Still, I can't. Paano kung may crime akong iso-solve? What if biglang mag-brownout? I'll cry and shout your name. I can't do it without you," sabi niya na napakunot sa noo ko.

"Eh ikaw nga lang mag-isa ang nagso-solve ng case dito dati," sabi ko at ngumiti naman siya.

"Please, love," pagmamakaawa niya kaya napabuntong hininga ako.

"Stop acting cute, hindi uubra sa'kin 'yan––"

"Please––"

"Argh! Fine!" inis kong pagsuko at ngumiti naman siya nang malaki sa akin.

Nagulat ako nang halikan niya ang buong mukha ko sa tuwa at parang batang umalis sa kwarto ko. I blinked twice, he's been acting like a child whenever I'm around. He's cute tho.

"I'll just packed my things love!" he shouted from his room at hindi na ako sumagot dahil gulat pa rin ako sa paghalik niya.

Umiling ako, okay focus Vivienne. Akmang mag-aayos na ulit ako ng mga gamit ko nang may kumatok sa pinto. I stood up and went at the sala, binuksan ko ang pinto at nakita ang isang estudyante na hindi makatingin nang deretsyo sa akin. She's a girl and what does she need?

"Why?"

Tumaas ang tingin niya at tanging nakikita ko sa kaniya ay takot. I sighed. A lot of students are now scared of me, us. Dahil sa nangyari at naiinis ako dahil doon. Napatingin ako sa binigay niyang red na gift, may red na ribbon sa itaas at gitna. Nagtataka ko iyon na kinuha at tumingin sa kaniya.

"M-May nagbigay daw po kay Manong guard at inutusan po ako ni Manong guard na ibigay ito kaagad sa inyo d-dahil hindi po siya makaalis sa pagbabantay," nakayuko niyang sabi kaya tumango ako at maliit na ngumiti.

"You may now go and don't be scared, I'm not bad like them. We're going to protect all of you," I said and she looked up at me and smiled.

Umalis na ang babae kaya pumasok na ako at sinara ang pinto. Oo nga pala, kanina pa umalis si Eli at Charm. I also want to talk to Charm and Eli, ano bang mayroon sa dalawang 'yon? Palaging nag-aaway pero protective masyado si Eli kay Charm. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin si Aiven na nakakunot ang noo habang nakatitig sa dala ko.

"That gift is strange," he said and I nodded.

Tama siya, walang nakalagay kung kanino galing. Umupo kami sa sofa at nilapag ko ang gift sa akin hita. Tinanggal ko ang pagkakaribbon ng gift at binuksan. Natahimik kaming dalawa ni Aiven nang makita ang loob ng regalo.

"Lily of the valley?" I whispered at akmang hahawakan ko ito nang pigilan ako ni Aiven.

"Don't, it's a poisonous flower and it symbolizes sadness, pain, loss and death. It symbolizes tears," pagpapaliwanag ni Aiven kaya hindi ko na ito hinawakan at pinakatitigan na lang.

Nagsuot si Aiven ng gloves at hinawakan ako. Akmang magsusuot na rin ako ng gloves pero sinamaan ako ng tingin ni Aiven.

"Love, I said don't," madiin niyang sabi kaya napasimangot ako at hindi na hinawakan ang bulaklak.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon