Chapter 22: Love case.

160 7 5
                                    

Vivienne

Eli was so shocked because of what I said. She really caught my attention, kanina ko pa sila naririnig at kanina pa ako nakikinig sa usapan nila. She can know the background of the Everest University in just one search, eh halos lahat ng mga taong gustong mag-enroll dito ay nahihirapang hanapin ang background reviews ng Everest University.

Eli took her water bottle on her bag and pinainom ang babae. I rolled my eyes, kung hindi lang siya nasa panganib ay pinalayas ko na 'yan kanina pa. Nanginginig ang babae at nakaupo sa harapan naming tatlo, she's still crying and nakatingin sa pinto na akala mo'y may biglang susugod sa kaniya.

Trauma?

"Anong histura ng taong humahabol sa'yo? Babae o lalaki?" I asked at tumingin naman siya sa amin bago nanginginig na inabot ang phone niya.

Nagtaka kaming tatlo pero kinuha naman na ito ni Eli at hinarap sa amin. Ni-play niya ang video at nagulat kami nang makitang nai-video pala ng babaeng ito ang lalaking humahabol sa kaniya. Lalaki ito at naka-hoodie na kulay itim, naka-mask na puti at cap na itim. Nakapants din ito––wait, obviously na pants iyan ng Everest University at hindi naman nakakapasok ng basta-basta ang kung sino dito sa loob.

May hawak na kutsilyo at mukhang inaasinta na ibato sa babaeng ito ang patalim. Walang estudyanteng dumadaan dahil ang daan papunta dito sa clubroom namin ay malapit sa abandoned building na pinapaayos at walang estudyanteng pumupunta dahil sa rumors na may babaeng nagpaparamdam daw doon.

Namatay lang ang video nang makapasok na ang babaeng ito sa loob ng clubroom namin. Luckily, our door is not locked. If our clubroom's door we're lock, kanina pa siguro siya duguan sa tapat ng clubroom namin.

Tumingin ako sa babae at umiiyak pa rin siya.

"Do you know someone na may galit sa'yo?" Aiven asked at umiling naman ang babae.

"A-All of the s-students here in E-Everest University hate me, m-marami na akong n-nabully kaya I-I don't know!" sigaw niya na nagpa-iling sa aming tatlo.

"Girl, do you know someone na ginawan mo ng super-duper bad bullying?" tanong ni Eli sa babae and that made her stopped.

I seriously stared at this girl in front of us. Nanginginig ang kamay niya at mukhang natulala. She looked at us and started crying again.

"M-Meron, I bullied a n-nerd girl dahil n-nabunggo niya ako a-and nasira ang g-gift sa'kin ng Lola ko na w-wala na," umiiyak niyang sabi at nagpatuloy. "N-Nasira ang book na g-gift sa'kin ni Lola, s-so inabangan ko s-siya at kinulong sa kwarto d-diyan sa abandoned building and a-ang alam ko ay s-sinugod siya ng b-boyfriend niya sa hospital b-because na t-trauma daw ito sa dilim," pagkukuwento niya at tuluyang naiyak.

I sighed. "Do you know the girl's name? Anong pangalan ng boyfriend niya and anong hitsura ng boyfriend niya?" I asked at umiling naman siya.

"H-Hindi ko alam ang h-hitsura, hindi ko pa n-nakikita ang hitsura niya and I-I don't know what's the name of t-that girl," sagot niya kaya napaisip kaming tatlo.

"When did this start? Is he saying something while he's catching you before?" Aiven asked at tumango naman ang babae.

"Y-Yes, he said "I'll fucking kill you for doing that to my girlfriend." That's what h-he said," pagsasabi ng babae sa sinabi sa kaniya ng lalaki kanina. "A-At nagsimula ito noong n-nakarang araw pagkatapos m-mahospital ng n-nerd na iyon."

Napatigil ako dahil doon. Hmm, does love make him crazy? Maghihiganti siya dahil sa sinapit ng girlfriend niya. He will take revenge para sa girlfriend niya. That sounded familiar.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon