Chapter 18: Bomb and riddles.

138 8 2
                                    

Vivienne

"What's the plan?"

I gritted my teeth and started to think of a plan. Ganoon pa rin ang ilaw, patay-sindi kaya kailangan na naming magmadali. But wait, kailangang kumalma baka pumalpak ang plano kung magpa-panic. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at pinindot ang red na app sa phone ko. Idinikit ko ito sa aking tainga.

Nakita kong may pinindot si Leo sa tainga niya kaya nagsalita na ako.

"Aries, Taurus, Gemini and Cancer. Papuntahin ang mga estudyante papunta sa yacht, do everything to make them safe and protect them. Ayokong marinig na may nasugatan ni-isa sa kanila," seryoso kong utos sa kanila at narinig ko naman ang pakikipag-usap nila sa mga estudyante.

"Copy that."

"Libra, Scorpio and Sagittarius. Maglibot kayo sa loob ng mansion or try to track a bomb. Hanapin ninyo kung saan nakatago ang bomba, I know you all can make it in 5 minutes. I trust the three of you," madiin kong sabi.

"Trust us Virgo, we'll make you proud," Scorpio confidently said and I heard them running.

"Capricorn, Aquarius and Pisces. Hanapin niyo si Zeus at huwag pakawalan, kung nanlaban. Patulugin niyo, huwag barilin o saktan. Nagkakaliwanagan ba?" seryoso kong utos kina Pisces at narinig ko naman ang pagtakbo nila.

"We already have him, goodluck," sabi ni Pisces kaya pinatay ko na ang phone ko at tumingin kay Aiven at Leo na hinahanap sa paligid ng banyo ang bomba.

Napatingin ako sa bangkay. Lumapit ako dito at tumingin sa kamay nito, nanliit ang mata ko nang makitang may tinuturo ito kaya hinanap ko kung saan siya nakaturo. Nakaturo siya sa pangalawang cubicle dito sa banyo kaya pumasok ako dito pero nagtaka ako nang makitang wala namang bomba. Lalabas na sana ako pero napahinto ako nang makarinig ako na parang umaandar na orasan.

Humarap ako sa inidoro at nilapitan ito. Napatiim bagang ako at binuksan ang pindutan ng flash. Pinagdikit ko ang aking labi nang makita ko na ang bomba. Nasa loob ito ng lalagyan ng flush.

And it's an IED or Improvised explosive device.

Nanlaki ang mata ko nang makitang limang minuto na lang ang natitirang oras. Mabilis kong kinuha ang phone ko nang mag-ring ito.

"Update?"

"Nasa bathroom, cubicle 2 at nasa loob ng flush-"

"Okay," pinutol ko na ang sasabihin ni Pisces dahil nakita ko na kanina pa ang bomba.

Tinitigan kong muli ang bomba, may phone na nakakabit dito at ang natitirang time na lang ay 4 minutes. May pin din na dapat ilagay.

"Vivienne, we saw a letter."

Bumukas ang pinto ng cubicle kung nasaan ako at pumasok sila Leo at Aiven. Malaki ang loob ng cubicle kaya hindi kami nagsisiksikan. Kita ko ang gulat sa mukha nila nang makita ang bomba sa gilid ko.

Hindi na ako nagsalita at kinuha ang maliit na papel na hawak ni Aiven. Binuklat ko ito at napakunot ang noo nang mabasa ang letter.

Ruby is singing the alphabetical song, she tried counting numbers in front of her parents to make them proud.

"What? So we're going to sing the alphabetical song? Tapos magbihilang?" nagtataka kong tanong at napaisip naman si Aiven.

"1 2 3! A B C D E F G~"

Sumimangot ang mukha namin ni Aiven dahil kinanta nga talaga ni Leo ang alphabetical song at nagbilang pa nga. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Aiven na biglang tumaas ang kilay habang nakatingin kay Leo na patuloy pa rin sa pagkanta. Wait, 1 2 3 and A B C D E-

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon