Chapter 41: The Villains Dark Past.

127 2 0
                                    

Vivienne

"Surprise sis."

Namutawi ang katahimikan sa paligid namin. Nakangisi siya habang nakatitig sa ekspresyon ko, para bang gustong-gusto niya makita ang ganito kong ekspresyon. I didn't know, I didn't know that my brother could kill innocent people. That's right, Xavion Ice Martinez a.k.a my brother is the mysterious X that we've been finding.

"H-How." Halos hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin dahil sa galit at gulat.

Mahina siyang tumawa at tumayo. Tinignan niya kami isa-isa at umiling na para bang isa kaming nakakatuwang paglaruan.

"Remember what I said?" he asked and tilted his head before giving me a devilish smile. "Pakatatagan mo ang sarili mo sis, hindi pa ito ang lahat," he said at bumalik sa alaala ko ang sinabi niya noong namatay si Grandpa.

So ito na pala ang lahat na sinasabi niya? Pakatatag? Tangina, paano ako tatag kung malalaman kong ang Kuya ko pala ang nasa likod ng lahat ng 'to?

Akmang susugod na si ex pero pinigilan siya ng dalawa na gulat pa rin hanggang ngayon. Tumawang muli ang demonyo at sinenyas ang mga upuan.

"Take a seat and we'll have little chit-chat," mapang-asar niyang sabi.

Sumara ang kamao ko at walang emosyon na umupo sa harapan niya. Sumunod ang tatlo sa akin, umupo sa tabi ko si Charm habang ang dalawa ay nanatiling nakatayo sa aming likod. Umupo na ang demonyo at ngumiti nang mapang-asar.

"Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga tayo magkapatid?" nakangising tanong niya sa akin at nanatili akong blangko.

"Hindi tayo magkamukha, wala akong kamukha sa parents mo. I maybe look like a naughty man like your father but you know, always master the acting skills," nakangiti niyang sabi at ininom ang iced tea na nasa harapan niya. I clenched my jaw, hindi ko na napigilan at tumayo bago siya hinablot sa kwelyo.

Naalerto ang tatlo habang ang kaharap ko ay ngumisi lang.

"Why are you fucking doing this?!" malakas kong sigaw at sumeryoso naman ang mukha niya.

Muntikan pa akong matumba nang itulak niya ako nang malakas, nasalo ako ni ex at inalalayan. Nagulat ako dahil sa pagtulak niya, ngayon niya lang ako natulak nang ganoon. Masama akong tinitigan ni Kuya––Xavion at ngumisi.

"Well, let me tell you a story."

******

Xavion Ice Martinez

Flashback

"Kuya look! Gusto ko 'yun!"

I looked at my little sister. May tinuturo siyang manika sa isang store dito sa mall kaya nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay.

"Sabihin na'tin kay Mom and Dad," I said and she widely smiled.

Tatalon-talon siyang tumakbo papunta kina Mom and Dad na nagtitingin ng bibilhin sa kabilang store.

"Mom! Dad! Gusto ko po 'yung doll doon!" masiglang sabi ng little sis ko, I looked at Mom and Dad na biglang umiwas ng tingin.

We're here at the mall because we're going to start a new business. Someone took down our company just because of an unacceptable reason and their surname is Martinez. Nawala ang pera sa amin dahil napunta na sa kanila ang mga nagtatrabaho sa amin, our money became theirs dahil may pinapirma sila kay Dad and Dad signed the papers for our safety. Kapag pinirmahan ni Dad ang papers ay magkakaroon kami ng bantay ni little sis hanggang paglaki.

May mga gustong kidnappin kami dahil kilala si Dad and he's part of the Top 10 famous business company sa mundo. And Martinez is the Top 1, nabasa ko rin na Top 2 ang mga Ruzzo. I heard that Ruzzo and Martinez are friends. Gustong makuha ng mga Martinez ang company namin para maisama ang company namin sa largest company in the world. At dahil gusto ni Dad na mas mauna ang kaligtasan namin, sinakripisyo niya ang company para sa amin.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon