Chapter 33: Truth.

105 5 0
                                    

Vivienne

Hinagis ko sa loob ng isang kwarto ang katawan ni Wariel. We're here at our mansion, pero nasa middle mansion kami kung saan kinukulong ang mga malalakas at nakakatakas sa kulungan. Wala pa ring malay si Wariel kaya lumabas na ako at hinarap ang mga nagbabantay doon.

"Kapag nabalitaan kong nakatakas siya katulad ng kay Zeus," pinutol ko ang sasabihin ko at sinamaan sila ng tingin, hindi sila umiiwas ng tingin at nanatiling nakatingin sa akin pero kita ang takot sa mata nila. "Just kidding, basta huwag niyo siyang patakasin," nakangiti kong sabi at iniwan silang gulat sa biglang pagbago ng mood ko.

I'm in the mood right now. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin ang tatlo, lalo na si Aiven at hinapit ako sa baywang kaya medyo natawa ako.

"You're so clingy love," I said and chuckled, he raised his eyebrows.

"Is it not allowed to cuddle with my girlfriend?" he asked kaya nagkanda-ubo ang dalawa. Napailing na lang ako.

Akmang magsasalita ako nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at nakitang si Nanay ang tumatawag. Sinagot ko ito at hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang bigla siyang ubohin.

"Nay, is there something wrong?" I asked, nervous.

Alam kong naghihintay sa akin ang tatlo na i-loud speaker ang tawag pero hindi ko iyon ginawa. Umubong muli si Nanay at nahihirapang huminga kaya kinabahan na ako at nagsimulang tumakbo palabas ng mansion.

"A-Anak, sobra a-akong nagpapasalamat n-na nakilala ko kayo––"

"No need to say goodbye to them, makakasama mo din sila Nanay HAHAHAHA!"

BANG!

"Nanay!" naiiyak kong sigaw at sobrang galit ang nararamdaman habang sumasakay sa driver seat ng Van.

Mabilis na sumakay din ang tatlo at kita ang kaba at pag-aalala sa mukha nila. Hindi ko na muna sila pinansin at tumutulo ang luhang nagmaneho nang sobrang bilis. Namatay na lang bigla ang tawag kaya humigpit ang hawak ko sa manubela at madiin na tinapakan ang kontrol ng kotse para mas lalong bumilis.

"Putangina!" sigaw ko at gigil na nag-overtake sa mga kotseng nakaharang.

Nakikita ko na ang building ng condo kaya mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko. Hindi ko maramdaman ang sarili ko, galit at sakit ang tanging alam kong nararamdaman ko. Kapag nahuli kami, hindi ko alam ang magagawa ko. Hininto ko ang Van sa tapat ng condo at hindi na pinatay ang makina. Bumaba na ako at hindi ko na alam kung sumunod ba sa akin ang tatlo, ang importante ay si Nanay.

Umiiyak at galit na umakyat ako sa hagdan at tinakbo iyon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko pinapansin ang mga taong nagsisitakbuhan pababa. Mas lalo akong napaiyak nang makitang nakabukas ang condo namin. Pumasok ako doon at napatigil sa kinatatayuan.

"N-Nanay," bigkas ko at lumakas ang iyak.

Tumakbo ako palapit sa katawan niyang nakahiga sa sahig at naliligo na ng dugo. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang mukha niya. 

"N-Nay, wake up," mahina kong pagmamakaawa pero hindi siya nagising kaya napayuko ako at niyugyog siya.

"Nanay! Wake up!" malakas kong sigaw at napasubsob sa dibdib niyang nababalutan na ng dugo.

"M-Magbabayad sila, magbabayad sila N-Nanay," umiiyak at gigil kong sabi.

Akmang yayakapin ko si Nanay pero may tumayo sa akin at nilayo ako doon. Nagwala ako at pilit na kumakawala sa nakayakap sa aking likod.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon