Chapter 25: Ninong Danni?

149 4 0
                                    

Vivienne


Nandito ako sa kwarto ko, it's been two days nang mangyari ang tungkol sa black smoke na iyon. Tungkol sa dalawang naging biktima ay sabi ng doctor, kakaiba ang toxic ng usok na nalanghap nila at pag-aaralan pa nila iyon. Namomoroblema din ako dahil sa ginawa ni Aiven. Nasugatan lang ako sa tuhod dahil nadapa ako sa bubog noong paalis na ako sa abandoned building, bigla na lang umalis ng galit at pagkagising ko ay nagiba na 'yung abandoned building.

"At pumayag ka naman?" inis kong tanong kay Kuya sa phone at tinawanan naman niya ako.

"Sis, you know Aiven. Ayaw niyang nasasaktan ka kaya hinayaan ko nang ipagiba niya ang abandoned building dahil 'yun din naman ang gagawin ko sa sembreak niyo," Kuya said, confidently.

I rolled my eyes. "Nasugatan lang ako!" inis kong sabi at tumawa na naman si Kuya.

"Aiven is so protective when it comes to you, maski lamok ayaw padapuin sa'yo. Kaya boto ko 'yang si Aiven eh––"

"Kahit pamilya niya ang kalaban natin?" pagpuputol ko kay Kuya at huminto siya sa pagsasalita.

"I already did a research about Aiven and believe me sis, mataas ang tiwala ko kay Aiven para sa'yo," sabi ni Kuya na nagpataas ng kilay ko.

"Anong nalaman mo––"

"Choppy ka'na sis! Bye-bye!" pagpapalusot niya at pinatayan ako ng tawag.

What the?! Sinamaan ko ng tingin ang phone ko at nilapag ito sa study table ko bago ako nag-focus sa pagre-review. Malapit na pala ang sembreak at sigurado akong magiging tahimik ang Everest University dahil walang estudyante sa panahon na iyon.

"Virgo."

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang pumasok ang mga pinsan kong pinasama ko dito. Umupo sila sa higaan ko at binuksan ang laptop na dala ni Leo. Lumapit ako sa kanila kahit nagtataka at tumingin sa laptop. Pinakita nila sa akin ang isang CCTV footage dito sa Everest University na may isang babae at lalaki na nag-uusap sa likod ng Everest University. 

Pinazoom ko ang video at nang izoom ay napapikit na lang ako sa inis dahil hindi ko pa rin makita ang mukha ng lalaki at babae. 

"They are suspicious, bakit sa likod ng Everest University sila mag-uusap ng alas-dose ng gabi?" Pisces asked, clueless kaya napaisip ako.

"There's a 50/50 chance na ang babaeng 'yan ang nag-utos sa lalaki na maglagay ng bug sa tray niyo," Nadia said at they all agreed.

Sinabi ko na kasi sa kanila ang nangyari sa Starbucks. Tinitigan ko nang mabuti ang hitsura ng babae, malabo ito at ang nakakainis pa ay naka-mask din ito. Tumingin ako sa lalaki, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa CCTV.

"Probably a student here in Everest University," Gemini said at sumang-ayon naman sila.

Tumayo ako at bumalik sa upuan ko. Napatulala ako nang maalala ang sinabi ng lalaking may pakana ng black smoke noong isang araw.

"Everyone is not your ally, someone is a spy and someone just want to break your heart––"

"Nasaan si Eli at Aiven noong alas dose kagabi?" I asked at kita ang pagtataka sa mukha nila.

"Obviously kasama natin, diba nagmovie marathon tayong lahat dito kagabi?" Aries asked at tumango naman kaming lahat.

Nakahinga ako nang maluwag at ginulo ang aking buhok. That man is really making me so confused and crazy, tiwala ako sa dalawa pero pinapakaba ako ng lalaking iyon dahil sa sinabi niya.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon