Chapter 9: Zeus.

223 9 0
                                    

Vivienne

"Did you see Aiven?"

"Hindi po, sorry."

Tumango ako at napangiwi dahil nag-sorry pa siya. Iniwan ko na ang tatlong babaeng estudyante at pumasok na sa Cafeteria. Pagkagising ko kasi ay wala si Aiven sa clubroom, pati sa kwarto at dorm niya ay wala. Nag-aalala ako kasi malapit na siya sa'kin at baka kung anong mangyari sa kaniya.

Gabi na at kakain dapat kami sa Cafeteria dahil parehas kaming tinamad magluto pero umalis pala ang loko. Nilibot ko ang paningin sa paligid pero hindi ko pa rin siya makita kaya nag-order na lang ako at kumain.

"My Vivienne, sorry for being late."

Nagulat ako nang may biglang humalik sa pisngi ko at nang tignan ko ito ay si Aiven pala ito na mas lalong ikinagulat ko. What? My Vivienne? Huh? Hinalikan ako? Ano?

I was about to say something when I saw him still wearing his uniform. Magulo ang buhok at inaayos ang necktie niya. Hindi ko muna pinansin ang pagiging baliw niya at tinanong siya.

"Saan ka galing-"

"Hoy ikaw! Hindi pa tayo tapos!"

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking bigla na lang sinipa ang lamesa namin at natumba pa ang mga pagkain ko. Akmang susugurin ko na pero hinawakan ako ni Aiven sa kamay pero ang tingin niya ay nasa pagkain kong nasa sahig na.

Walang ekspresyon ang mukha niya kaya mas lalo akong nagtaka. Ano bang nangyari sa lalaking 'to? Saan ba siya galing at anong hindi pa sila tapos?

Lahat ng mga estudyante na dito sa Cafeteria nag-dinner ay nasa amin na ang atensyon.

"Doon tayo sa labas! Huwag kang duwag at ituloy natin!" galit na galit na sabi ng lalaking sumipa sa lamesa namin at hindi ko siya kilala.

Napatingin ako kay Aiven at kinunutan siya ng noo.

"Okay. Let's go." He stood up and loosened his necktie na kakaayos niya lang kanina.

Mabilis na lumabas silang dalawa sa Cafeteria kaya agad akong sumunod. Lahat ng estudyante ay sumunod at inaabangan ang susunod na mangyayari.

Prenteng nakatayo si Aiven habang tinutupi hanggang siko ang white polo niya. At 'yung lalaki naman na nag-aya ng away ay nakangiting aso habang nakatitig sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kapag ako nanalo, akin na si Vivienne. Mukhang masarap-"

Nagulat kaming lahat nang malakas na sinuntok ni Aiven ang lalaki na ikinatumba nito, nanlaki ang mata ko nang sinipa niya pa ang gitna ng lalaki na ikinasigaw nito sa sakit. Aww, wala nang kinabukasan ang manyak.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at pinanood si Aiven na pilit pinapatayo ang lalaki at bigla itong susuntukin. Okay, ngayon ko lang 'to sasabihin... nakakatakot si Aiven ngayon mga pre.

Akmang susuntukin pa ni Aiven ang lalaking wala ng malay kaya tinawag ko na siya.

"Aiven, enough," madiin kong utos at agad naman siyang tumigil.

Napapikit ako nang sinipa niya ulit ang gitna ng lalaki na ikinasinghap ng iba habang 'yung ibang lalaki ay napapaatras na.

Nilapitan ko na si Aiven at hinila na siya palayo doon sa Cafeteria pero napataas ang kilay ko nang hinila niya ako pabalik sa loob ng Cafeteria at pumunta sa counter.

"Two spaghetti, two french fries and burger, two choco drink. Make it fast," madiin na utos ni Aiven sa lalaking nasa counter.

Nataranta ang lalaki at mabilis ang kilos na kinuha ang mga in-order ni Aiven. Nakakapagtaka ang kinikilos ni Aiven, mukhang wala siya sa mood.

"Kumalma ka nga! Ano bang nangyayari sa'yo?" nagtataka kong sabi sa kaniya.

Saglit siyang sumulyap sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Binigay naman na ng lalaki sa counter ang in-order kaya aalis na sana kami nang may humarang sa dinaraanan namin.

"How are you little brother?"

Kumunot ang noo ko at tinitigan ang lalaking humarang sa'kin. Kamukha niya nang kaunti si Aiven kaya kapatid niya nga ito. Nagulat pa ako nang mabilis akong tinago ni Aiven sa likod niya na nagpataka sa'kin. Mga tol, hindi ko alam ang nangyayari mga tol.

Napatingin sa'kin ang lalaki at ngumisi. May pagka-badboy aura siya, nakasuot ng hoody na puti at shorts na black. Mukhang transferee siya dito. Nakaayos ang buhok pataas at matangkad pero sadyang mas matangkad si Aiven.

"Let's go," sabi ni Aiven at hinila ako paalis doon pero nagsalita ulit ang lalaking nagsabi sa kaniya na brother.

"I'm Zeus Levin Ruzzo, nice to meet you Ms. Martinez."

Letche, ang gulo. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Paano mo nalaman ang apilyedo ko?" seryoso kong tanong.

Sumeryoso din siya at tinitigan ako ng diretso sa mata.

"You know Ms. Martinez, there's some things that you don't need to know," seryoso niyang sabi pero ngumiti din kaagad.

"Dad said that he wants to talk to you on Sunday morning, good night brother!" sigaw ng lalaking si Zeus.

Nakarating na kami sa clubroom, pinanood ko lang na magdabog si Aiven. Hinubad niya ang necktie niya at umupo sa couch.

"Come here Vivienne," biglang utos niya.

Inirapan ko siya at umupo sa tabi niya. Nakapikit ang mata niya at malalalim ang paghinga.

"Bakit ka niyaya mag-away ng lalaking 'yon? Totoo mo bang kapatid si Zeus? Bakit parang galit ka sa kaniya? And last, bakit nag-level up ang kasungitan mo ngayong gabi huh?" sunod-sunod kong tanong.

Dumilat siya at tumingin sa'kin habang nakasandal pa rin ang ulo sa sandalan ng couch.

"They were talking about you and they were planning to harass you so I beat them up pero nakatayo 'yung lalaking 'yun at niyaya akong makipag-suntukan. And for your second question, yes. He's my real brother and yes galit ako sa kaniya and last... family problem and napikon ako sa nambastos sa'yo," mahaba niyang paliwanag kaya napatango ako.

"Last na talaga, anong mayroon at may pa My Vivienne ka pang nalalaman?" I asked, raising my eyebrows.

Napatigil siya at hindi man lang tumingin sa'kin.

"Nothing, stay here until I fall asleep. I won't eat-"

"Kumain ka, may field trip pa tayo bukas," pagpuputol ko sa kaniya.

Wala siyang nagawa at sinabayan akong kumain. Inobserbahan ko siya at tinitigan. Marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa katauhan ni Aiven, marami pa kaya kailangan kong alamin iyon. Ibang-iba din ang pagkilos niya kanina, hindi pangsuntok o sipa kanto, para bang hasang-hasa na niya ang pakikipaglaban.

Kahit ganoon, crush ko pa rin siya. Eh wala tayong magagawa, crush ko pa rin siya. Pero seryoso, kailangan ko ng tulong nila para malaman kung sino ka ba talaga Aiven.

Kailangan kitang kilalanin pa Aiven.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon