Chapter 15: Pisces.

167 7 0
                                    

Vivienne

"Did ABM-11 students come here before us?"

"No, sa ibang resort sila."

"Good."

I hung up the phone and looked at the ocean. Nakasakay na kami sa yacht ni Kuya. I'm here alone at the view place, view place ang tawag ni Kuya dito dahil kapag nandito sa likod ng yacht ay makikita mo lahat ng ginagawa ng mga tao sa taas, second floor at lahat ng mga bituin.

About what happened before, naalala lahat ni Aiven ang ginawa niya. After he woke up, he started to ignore me and maybe that's good. Whenever I'm talking to Aiven, hindi niya ako pinapansin at bumalik sa pagiging cold. For me, that's actually good. I can start making plans now. After this bored field trip, pupunta ako sa Mansion.

I ready myself when I felt someone is walking towards me. Hindi ko naririnig ang pagtapak niya sa lapag pero nararamdaman ko pa rin ang paglapit nito. Nang maramdaman ko na siya sa likuran ko ay mabilis akong humarap at kinulong siya patalikod sa braso ko.

"Easy woman," this man said and chuckled.

Diniinan ko muna ang pagkakasakal ko sa kaniya bago siya binitawan. Lumayo siya sa akin at nakangising tumingin sa akin. I gave him a cold stare, I hid my hand on my pocket and stared at his eyes.

"If I could just push you to the ocean so that my mission is finished," nakangisi niyang sabi na nagpangisi sa akin.

"So you can't push me?" I mocked and that made him pissed. "Ha! So weak," pagpapatuloy ko pero tumawa lang siya.

Tumitig siya sa mata ko at lumaki ang ngisi.

"What if your first love named Dave is still alive? What will you do?"

Nawala ang ngisi sa labi ko. My jaw clenched while looking at him, trying to kill him with my deadly stare. Hindi nawawala ang ngisi niyang naglakad palapit sa akin at yumuko nang kaunti para ipantay ang mukha sa akin.

What if he's still alive? I'll find him, hindi ako titigil sa pagbabagsak sa inyong mga hayop kayo. I'll throw you all to the jail. I'll find him and fix everything.

I tilted my head while coldly staring at him. "Maybe kill you in front of him," malamig ang boses na sabi ko.

Tumaas ang kilay niya at lumayo bago ako tinawanan. Walang gana akong pinanood siyang tawanan ako. He grinned.

"You can't do that babe, I know you can't."

The side of my lips rose up. "You sure about that? I can kill you here without him watching."

Tumawa ulit siya kaya kinuha ko na ang pagkakataon para umupo at sipain ang paa niya. Napamura siya nang matumba siya, mabilis ko siyang hinawakan sa kamay at malakas na sinandal sa rails ng yacht. Hindi pa siya nakakapagreact ay mabilis ko na siyang binaliktad pataas para mamuntikan siyang mahulog sa gitna ng dagat pero swerte niya dahil nakahawak siya sa railings.

He glared at me while I'm here, standing in front of him grinning while watching him suffering.

"Damn you Martinez," madiin niyang sabi at pilit na tumataas.

I sarcastically laughed. "Yes Ruzzo, Damn me," I said while grinning pero sumeryoso ako at hinawakan ang kamay niya. "But I'm not a demon like you and your clan so I'll let you live this time."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero napasigaw din at napamura nang muntikan na siyang makabitaw. Tinulungan ko na siyang umakyat sa railings at letche, hindi ba siya marunong umakyat?!

"Umakyat ka'na! Huwag kang tanga!" galit kong sigaw sa kaniya at sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Sino ba kasing nagsabi na itulak mo ako?!" sigaw niya pabalik na nagpangiwi sa akin.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon