Chapter 8: Banyo.

267 10 2
                                    

Vivienne

It was already 9 in the morning and we're waiting for our teacher to come. Kanina pa ako nababagot dito, 'yung katabi ko busy sa banana milk niya. Nakasimangot na rin ako dahil hindi ako pinapansin ng unggoy. Dapat nga ay lumayo na ako sa kaniya eh pero dahil makulit siya, edi go with the flow na lang.

"Hey, ang tahimik mo," bulong ng unggoy kong katabi.

Inirapan ko siya at hindi tinignan. "Diyan ka sa banana milk mo," mataray kong sabi.

He chuckled. "Tsk, okay."

Mas lalo akong napasimangot. Hindi ba nakakaramdam 'tong isang 'to? Nakikita ko sa iba na kapag hindi sila pinapansin, sinusuyo nila ito pero bakit itong unggoy na 'to hindi marunong mang-suyo? Oo nga pala, ako din.

"Akin na 'yung mga brief na ni-regalo ko sa'yo," nakasimangot kong sabi at naramdaman kong napatigil siya.

"What? No way, I'm wearing the Gucci Brief right now and nasa labahan pa 'yung iba."

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "Eh ano naman? Labahan mo, tapos 'yang suot mo na brief ay hubarin mo at labhan mo na rin bago mo ibalik sa'kin. Ibibigay ko na lang sa mga manliligaw ko."

Sumama ang tingin niya sa'kin. "No, it's mine."

Kinunutan ko siya ng noo. "Galing sa'kin at ako ang nagbigay."

"Still no."

"Bahala ka."

Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa harapan. Ganoon din siya at uminom na lang ng banana milk niya. Akala ko hindi niya ginagamit mga binigay ko eh, bibigay ko sana sa mga laging nagcha-chat sa'kin.

And what about Kai Jade Montes and Irish Angel Delo Santos? Nasa mental na sila, ginagamot at nakakulong, may mga bantay din naman na pinapunta doon ni Kuya kaya kahit nagpapanggap lang silang baliw ay hindi pa rin sila makakatakas.

Mabuti nga at walang mga masasamang pangyayari dito sa school eh. Kanina ko pa din naririnig ang bulungan ng mga kaklase ko.

"Excited na ako! May field trip tayo!"

Hindi na pala bulong, rinig na rinig ko eh. And wow naman, may field trip. Sana naman maraming puno, tsk gusto ko ng sariwang hangin. Maya-maya pa ay pumasok na si Ma'am Elisa sa classroom at malaki ang ngiting binati kami.

"So class, ready yourselves and mag-impake na! Pupunta na tayo bukas sa Camp Kainomayan!" Ma'am said that made the class excited.

"Yes!"

"Ilang araw po tayo doon Ma'am?" my classmate asked.

"Isang araw lang tayo doon but don't you worry dahil sa pangalawang araw ay sa Boracay naman tayo–"

"YUHOOOOO!!"

Napairap na lang ako. Ang ingay! Excited ako pero hindi ko naman kailangan mag-ingay, atsaka ilang beses na akong nakapunta sa Boracay, kaya nakakasawa na. Hindi naman sa pagmamayabang pero gusto ko naman sa ibang lugar. Pero dahil libre na ang entrance at service, why not?

"Silence!" sigaw ni Ma'am kaya tumahimik naman na sila.

"Okay, sa unang araw ay sa Camp Kainomayan tayo, sa pangalawang araw ay sa Boracay and then sa pangatlong araw ay sa private island ni Mr. Martinez tayo pupunta."

Wait, private island ni Kuya o Dad? Ah nevermind, basta walang ibang makakapasok doon, okay na ako.

"Okay so let's start our discussion."

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana pero ang atensyon ko ay nasa discussion ni Ma'am.

"Miss Martinez."

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon