Chapter 31: Promise.

114 1 0
                                    

Playing: Everything by the black skirt (Intro)

Vivienne



I'm still in deep thought. Pati ang tatlo ay kahapon pa nag-aalala sa akin dahil sobrang tahimik ko. I'm not going to talk to them muna, that fucking Dane makes me overthink 24/7. We're already at the condo, magsasama muna kaming apat dahil ayokong may mangyaring masama sa kanila at wala pa ako sa tabi nila. Nakaupo ako sa single sofa habang si Aiven ay nakahiga at ginawang unan ang lap ko. Si Eli ay nagbabasa ng libro at si Charm naman ay nanonood ng k-drama.

Ramdam kong gusto nila akong kausapin but they choose to be silent and thank you for that. Kanina pa din nakatitig sa akin si Aiven, nakayakap sa baywang ko at nakasiksik ang mukha sa tiyan ko.

Paano kung tinatraydor talaga ako ng isa sa kanila? What am I gonna do? Siguro ay hindi ko alam ang mangyayari sa'kin, maybe mababaliw ako at makakapatay. May nag-door bell sa pinto kaya si Eli na ang tumayo at binuksan ang pinto.

"Mga anak, gusto niyo ba ng tinapay? Bagong gawa ko lang ito at marami kaya naisipan kong bigyan kayo," rinig kong sabi ni Nanay, she's the landlady and the condo keeper.

"Thank you Nanay, pasok po kayo," rinig kong sabi ni Eli.

Nanatili akong tulala sa kisame at hindi tumitingin kay Nanay. Narinig ko ang pagsara ng pinto at naramdaman kong may umupo sa kaliwa ko.

"Anak, nag-aalala na ang mga kaibigan mo sa'yo. Mag-usap kayo kung may away man na nangyari," malumanay na sabi ni Nanay kaya napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

"We will Nanay," I said while smiling at her kaya ngumiti din siya pabalik.

Isang araw pa lang kami dito but naging pangalawang Nanay na namin siya. Wala siyang asawa at anak and 61 years old na rin siya. We became close kaya kinakabahan na ako na baka siya naman ang lapitan ng mga demonyo.

"Diyan nagsisimula ang matibay na pagkakaibigan mga anak, kaya pag-usapan niyo nang mabuti ah?" nakangiti niyang sabi at tinignan kami isa isa.

Tumango kaming apat na parang mga bata. Tumingin si Nanay kay Aiven na nakasubsob ang mukha sa tiyan ko kaya nahiya ako nang natawa si Nanay nang mahina.

"Ilang taon na kayong magkasintahan anak?" biglang tanong ni Nanay kaya napatigil ako.

Tumawa si Charm kaya napatingin kami sa kaniya. Nakatingin siya sa aming dalawa ni Aiven at ngumiti siya kay Nanay.

"Nay, wala pa pong sila. Ayaw pa kasing sagutin ni Vivienne si Aiven," natatawang sabi ni Charm at natawa din naman si Nanay.

"Mga anak, importante din ang may label sa relasyon. Dahil hindi mo masasabing ako'y sa'yo at ikaw ay akin, hindi mo masasabing pagmamay-ari niyo ang isa't-isa dahil walang kayo," nakangiting payo ni Nanay at alam kong makikinig din si Aiven.

Natahimik ako dahil doon. Sasagutin ko na ba siya? Pero, priority ko muna ang tungkol sa mga blacks. Huminga nang malalim si Nanay at tinapik ako sa balikat.

"Oh siya, kainin niyo na ang tinapay habang mainit pa. Aalis na ako at mayroon pa akong lilinisin na condo," paalam ni Nanay kaya ngumiti ako.

"Take care Nanay, call us if you want some help okay?" I said at ngumiti naman si Nanay.

"Salamat anak."

Umalis na si Nanay kaya tahimik na naman kaming apat. Gusto kong kausapin sila pero I don't know how to start a conversation.

"Vivienne, may problema ba? Ang tahimik mo at ang lalim na din ng iniisip mo," Charm break the silence.

Tahimik lang ako kaya bumuntong hininga siya. Lumapit sa'kin si Eli at umupo sa kaliwa ko. Si Charm naman ay sa sahig sa harapan ko.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon