Chapter 5: Grocery.

305 18 1
                                    

                            Vivienne

"Ilang oras akong nakatulog?"

"24 hours, one day."

I nodded and was about to stand up but he stopped me. Tinaasan ko siya ng kilay pero sinamaan niya ako ng tingin. Sinubukan ko ulit na tumayo kahit na masama ang titig niya.

Hindi ko naman siya tatay para sundin–

"Get your fucking ass down," madiin na utos ni Aiven kaya agad akong umupo habang masama ang tingin sa kaniya.

"Bakit ba–"

"Woah! Bakit sa kaniya sumusunod ka pero sa akin na sarili mong Kuya hindi mo sinusunod?"

I rolled my eyes and looked at my big brother who's sitting at the couch. Nakasimangot siyang nakatingin sa'kin at naka-krus ang braso.

I ignored him and sumandal sa higaan. Nandito pala kami sa infirmary ng university kaya pala puro puti, akala ko tuloy nasa langit na ako. Hindi pa ako pwedeng mamatay 'no, kailangan ko muna silang mahuli bago ako mamatay.

"Eat Vivienne," biglang sabi ni Aiven na ikinatingin ko sa kaniya.

I raised my eyebrows at him when he was about to feed me but agad kong inagaw ang kutsara at Tupperware sa kaniya. He raised his eyebrows at me and gave me his deadly stare.

"I can eat okay? Hindi naman ako nabalian! Isang saksak lang at buhay pa ako!" inis kong sigaw at kumain na.

"Huwag makulit Vivienne, do you want me to call Dad and Mom?" pagbabanta ni Kuya na nagpairap sa'kin.

Hindi talaga ako makakatakas sa dalawang ito. Kinapa ko nang dahan-dahan ang sugat ko na nakabenda at uminom ng tubig. Hindi naman pala malala pero damn! Hindi ako makakapayag na napatulog at na-kidnapped lang nila ako ng ganoon kadali!

Oh, kamusta na pala 'yung ssg president na iyon? Buhay pa kaya? And that guy's voice is so familiar. Don't tell me…

Nanlaki ang mata ko at agad na tumayo.

"Vivienne!"

Hindi ko pinansin ang panenermon nila at tumingin kay Kuya na ang sama na ng tingin sa'kin.

"Do you still remember the guy who's obsessed with me?" I asked seriously.

Sumeryoso siya at tumango. "Yeah, as I can remember. His name is Primo?" tanong ni Kuya at tumingin sa'kin.

I nodded. Yeah, ang pangalan na Primo niya lang ang natatandaan ko dahil hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Until now he's obsessed with me? Wow, ang ganda ko talaga.

"Vivienne, let's talk."

Tumingin ako kay Aiven na seryosong nakatingin sa'kin. I nodded at him at lumabas kami. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas! Nakalanghap din ng hangin na walang halong gamot.

Sumandal siya sa pader at seryoso akong tinitigan. Hindi ako nagpatalo at tinitigan din siya ng seryoso. Kanina ko pa 'to napapansin eh, ang lalim ng iniisip.

"Do you by any chance know Whites?" he asked but I didn't reacted.

I shook my head. Whites? As in puti? Wala naman akong kilala, as in wala.

"Wala, why?" I asked and observed his reaction and eyes.

Hindi siya sumagot at tinitigan ako sa mata. Does he think that I'm lying? Well he is right, I'm lying. Kilala ko ang mga sinasabi niyang whites but I will not tell it to him. Okay na ang makilala niya ako at si Kuya, huwag lang ang pamilya ko–ang tunay na ako.

Detective BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon