CHAPTER 14

1.3K 48 0
                                    


Chapter 14: PE class


ZENDAYA POV

Tahimik akong nag babasa dito ngayun sa room namin. Habang naka headset ay nag babasa ako ng binili ko sa mall nung isang araw.

Naalala ko tuloy si nine. Simula nun ay nag usap kami tungkol sa tutulungan ko sya ay lagi na kami nag uusap... Ang nakakarindi pa ay nakikisabay sya kay milan na parehong may may topak na nmn sa ulo. Pareho na silang nakakarindi sa utak ko.

"Ok class meron kayong 3 minutes para mag palit at dumeretso na kayo sa gymnasium" malakas na hiwayan ang narinig ko sa mga kakalase ko ng i announced ni ma'am na may pe. Buti nalang at may dala akong pe uniform para hindi ko madumihan ang damit ko. 

Ng makaalis si ma'am ay kanya kanya na silang kuha ng damit nila. Kaya kinuha ko yung akin sa bag. Meron itong logo ng school at kulay pulang mga gilid at kwelyo nito.

Pagharap ko sa kanila ay naking gulat ko ng nakahubad na sila at tanging boxer nalang ang meron sa kanila.
Mabilis na tumakbo ako sa labas dahil sa hiyang naramdaman ko.

Nakakainis mamaya na suguro ako mag papalit pag wala na sila.

"Zen gusto moba hintayin kita?"
Salubong saakin ni milan na unang lumabas sa room. Nakakatawa dahil meron pa syang kulay pulang headbond na bang karate ang peg.

"Huwag na mauna kana susunod nalang ako" sabi ko sa kanya. Aayaw pa sana ang kumag pero pumayag din.
Sunod sunod na ang mga kumag na nagsilabas kaya nmn umupo muna ako sa may terrace sa gilid ng room namin.

Ng maramdaman kong wala na sila ay umalis nako sa pag kakaupo doon at pumasok sa room.  Wala ng tao kaya nmn napangiti ako ng wala sa oras.

Mag bibihishh na meee.

Ang ginawa ko ay inilagay ko muna sa bag ko ang salamin ko at inipit ang buhok ko pataas. Inalis ko ang black shoes ko at inilagay ito sa paperbag na dala ko. Inalis ko ang uniform ko at buti nakasando ako ngayun. Sinuot ko ang uniform ko ng pang pe sabay suot ng sapatos.

Ng matapos ako ay nag dala ako ng bote ng tubig na baka sakaling mauhaw ako ay may dala ako diba.



"Ok section A mag siupo muna ang lahat" sabi ni sir alvin at nasa tabi nmn nya si ma'am reyes.

Nakaupo kami ngayun sa sahig buti at makinis itong gymnasium na parang sahig ng basketball hahaha. Nasa tabi ako ni nine at milan habang ang dalawang aliparot ay nasa likuran namin.

Mga kinginag tooo hmppp.

"Ngayun araw na ito ang inyong makakalaban muna ay ang section D, dahil pareho kayo ng scheduled ng pe ay mag kakasama kayo ngayun sa gymnasium"  nakita namin na nakaupo sa kabilang gilid namin ang section d. Doon nakita ko si bellia na nag m-make up para sabay lagay ng lipstick sa makapal nyang labi.

Pudpod na lipstick sayo....

Nakita ko rin si jane na nakaupo sa dulo at may kausap. Naalala ko na hindi ako nakapunta sa rooftop. Pero try ko sa ibang araw napaka busy ko kasheee ehhhh.

"Ano ba laro ngayun?"

"Basketball at valleyball daw"

"Wow baka ako yan hahaha"

"Lakas ng putok nyo... Sino yun?"

"Uyyy tubig ko yan"

Nag aasaran nmj ang mga kumag at nag tatalo.  Nakita ko nmn si nine at milan na nasuno na nmn ng candyng isang balot. Palibhasa nasa pagitna nila ako kaya abutan ang dalawa.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now