CHAPTER 87

660 30 1
                                    

Hi guys!! Sorry for my late update:) naging busy kasi ako!! Pero Tuloy tuloy na to ngayon!! Don't worry mahal ko parin kayo:) 😎😘🥺

QUEEN OF SECTION A (PART 1) NEAR

ZENDAYA WESLEY POV


Tulala ako ngayon habang nakaupo dito sa harap ni nicholas. Simula nang hilahin nya ako palabas nang mall nila ay hindi na sya nag balak pang mag salita o kaya naman kausapin ako. Minsan ay kakausapin ko sya pero tango lang ang sinasagot nya sakin.


Halos tawagin ko na lahat nang santong kabayo para saniban sya pero parang walang effect!! Tahimik parin!.


Madami tuloy akong tanong sa kanya.
"Sino sila? Bakit ganun sila umasta? Anong balak nila? May alam ba sila? Kilala nila kuya ko? Kaano ano nila si kuya? May problema ba?" Gusto kong itanong sa kanya yan. Pero naiisip kong malalim din ang iniisip nya ngayon kaya hindi na muna ako mag babalak na tanungin sya sa bagay na yun. Para sakin!!


Kailangan kong pasayahin ang lalaking to ngayon!!! We need to make a plan!!..... charot!! Wala akong maisip.

Nandito kami ngayon sa isang kainan dahil dito nya ako dinala. 6:30 na nang gabi pero hindi parin kami nauwi. Nag paalam na naman ako kina mama kaya hindi na nila ako hahanapin pa. Hindi naman sya mamahaling kainan. Dinala lang naman nya ako sa amusement park kung saan May lomihan!!.


Ano ba kasing problema nito??

"Nicholas" mahinang tawag ko sa kanya. Magkaharap kaming nakaupo dito sa lamesa habang inaantay pa ang order namin. " Alam kong nakasinghot ka nang droga pero, sana naman, Wag mong araw arawin!" Nag tangkang sabi ko sa kanya.

"What?"

"Ang sinasabi ko lang naman!! Tumulad ka kay kole! Hindi yun nag dodroga! Ano?! Makikisali ka sa happy droga group!! Wag! Baka
Mapano pa buhay mo!" Mahabang paliwanag ko sa kanya. Gusto kong matawa sa sinasabi ko pero! Kailangan ko to para makausap nya ako.

Dahil ata sa sinabi ko ay kumunot ang noo nya at pumangalumbabang tumingin sakin. " Huh? What are you talking about? Im not taking drugs! What the hell zen!" Bulalas nya sakin.

Ehh!! Alam ko!! Tanga!!.

"Talaga? Parang hindi naman halata!" Pabulong kong sabi pero alam kong narinig nya parin yun. Tawagin kona kaya lahat nang santo?
Hindi ako sanay na ganto ang lalaking to! Hindi naman ganto katahimik yun eh!!.

"Saan mo gusto pumunta? Gala tayo!"

"Bahala ka"

Ay! Bahala daw ako? Eh kung dalhin kita sa bangin! Tingnan natin kung ako pa bahala sating dalawa.

"Bake tayo bukas! May ingredients na sa amin! Gagawa tayo cake para kay milan!"

"Hmm, ok"

Puta! Ang ganda nang sagot mo ha!
Pasalamat ka at madami ka nang tulong sakin! Kung hindi! Kanina pa kita pinapabayaan dito sa lomihan.

"Gusto mo kape?"

"No thanks"

"Libre kita nang Starbucks"

"It's up to you"

Ha? Ano bang pwedeng gawin sa lalaking to! Pansin kong kanina pa sya tulala. Nakapanga lumbaba pa ang loko habang nakatingin sakin. Hindi ko naman mabasa ang nasa isip nito dahil wala naman akong telepathy.


Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon