CHAPTER 74

720 30 4
                                    

"Ang alat ha!!"

"Ano to? Minudong may halong sama nang loob?!"

"Kingina milan!! Wag kana mag asawa kung ganan!!"

"Aamuyin ko palang mamamatay nako eh"

"Kakaibang minudo to!! Isang kagat patay agad"

"Kulang sa pag mamahal milan!! Jowa muna!!"

Nandito kami ngayon sa kusina at kanina kopa pinapakinggan ang mga komento nang mga loko sa lutong minudo ni milan. Hindi ko alam pero sabi nila maalat daw! Hindi ko naman malasahan dahil hindi pako nagugutom.

"Sama talaga nang ugali nyo! Sino bang nagsabing sainyo yan!! Kay ATE ZEN ko yan! Mga pvcha kayo!"
Sigaw sa kanila ni milan sabay layo nang minudo nya. Bakit ang tigas nang pa kaka ate nya!!

"Wag na zen! Wag mona tikman! Baka mag iba ka nang pananaw sa buhay!" Sigaw sakin ni nine sabay baling kay milan.

"Tinikman ko zen! Lasang walang forever! Wag mona tikman! Baka hindi ka pa mag ka boyfriend nan"
Isa patong si terry. Grabe sya!! Walang forever talaga?!.

"Yung luto ni Milan,parang luto nang yaya nya kapag nag babaon sya nang minudo!! Walang lasa haha" malakas na tawa naman ni jacob pati ni nicko.

Naalala ko pala, sabi sakin ni Nicko nakakapasok na daw si jane, hindi lang kami mag kita dahil madaming project na hindi pa naipasa si jane nung dahil sa nangyari sa seven eleven!.balak ko nalang syang dalawin sa ibang araw.

"ZENN!! Zen ohh sina nine!! Ibabaon ko kayo nang buhay sinasabi ko sa inyo!!" Nag tatampong sabi ni milan sabay lapit sakin dala dala ang kaldero nang minudo nya.

"Zen, masarap yan! Tikman mo mamaya ha" sabi sakin ni milan habang hanggang gilagid na ang ngiti. Balak ko na sanang matakot sa ngiti ni milan!!!.

"Sige, ilagay mo muna doon at baka matapon pa yan!! Walang kinain mamaya"

"Shige Shige ahihihihihi!!"

Ang mga loko ay pumunta sa sala muna para manood. Wala pa sina kuya pero alam kong uuwi nayun! Sana nga hindi maabutan ang mga loko eh! Paano ba kasi napunta yan dito!!!

Nang makapunta sa sala ang mga loko ay tumingin ako sa dalawang busyng busy sa pag luluto dito sa kusina. Kanina pa sila hindi naimik!. Focus na focus sa niluluto.

"Anong niluluto nyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa sabay lapit sa gawi nila. Ang bango naman!!  Pero....

Hindi nila ako pinansin -_-

"Ano yan?, Ang bango naman!" Masiglang sabi ko sa kanila. Tingnan nila akong dalawa saglit pero..... Hindi na nila ulit  ako pinansin.
Napa-simangot tuloy ako!!.

"Hoy!, Bakit hindi nyo ako pinapansin?" Tanong ko sa kanilang dalawa pero hindi nila ako nililingunan. May hinahalo silang dalawa sa mangkok pero hindi ko alam kung ano!! Siomai!! Siomai siomai!!!

"Zen bumalik ka na nga dun! Nag luluto kami oh!" Inis na sabi sakin ni Nicholas kaya napa-simangot ako.

Tumingin naman ako kay kole at nakangiting nakatingin sya sakin. "Tatawagin ka nalang namin, mag-pahinga ka muna doon" kalmado at maayos na sabi sakin ni kole kaya napanguso ako.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu