CHAPTER 57

865 37 3
                                    

     

           *ZENDAYA WESLEY POV*

"Urghh, sh*t sakit" daing ko ng magising ako ng may sakit ng ulo.napahawak tuloy ako sa ulo ko dahil sa sobrang hilo. Feeling ko kailangan kong uminom ng maligamgam para umayos katawan mo.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid,nasa clinic ako, madaming kama at napaka tahimik. Pansin ko na walang tao at halatang ako lang ang nandito.

Naalala to tuloy ang nangyari kanina.hindi ko tuloy maiwasang napayuko sa nagawa ko, ewan ko pero baka may nasabi akong mali kaya nya nagawa yun sakin.

"Ok kana?!!"

"PUKING---- Kagulat ka naman" mapamura tuloy ako, napatingin ako sa pinto ng biglaan pumasok si David na may hawak na paper bag,dere deretso syang naglakad sa gawi ko at umupo sa kamang kina hihigaan ko.

"Wala nang masakit sayo?" Tanong nya.

"W-wala na, ok na ko" charot,nahihilo pa ako, seryoso kasi ng mukha nya, natatakot nakong magalit tong Aliparot nato,baka magwala to dito mahirap na.

"Weh? Are you sure?" Tanong nya habang nakataas ang isang kilay nya.

Weh? Hutdogg!!!.

"Oo nga,mamatay ka man!"

"What?"

"Mamatay ka m--- mamatay man ako oo heheh" pag tatama ko, muntik nako dun..

Ng wala nakong masabi sa tanong nya, kinuha nya yung paper bag na dala nya at nilabas ang laman.

Bigla ata akong nagutom na makita ko yung isang plastic ng sushi, minudo saka kanin, meron na ding water bottle. Halatang galing sa cafeteria.

Napatingin tuloy ako sa kanya, seryoso ang mukha nya habang nag aayos ng pagkain sa kama ko. Hindi ko masabing galit sya o ganan talaga mukha nya.

Galit parin ba sya?.

Yan ang nasa utak ko ngayon, alam kong  galit bakit kopa tinatanong?.

"Here, kumain kana, tapos susunod na tayo sa gymnasium" sabi nya sabay abot sakin nung tray. Tiningnan ko muna sya bago ko kuhanin yung tray.

Oo nga pala, susme kasalanan ko naman atang hindi kami makapunta, baka wala na kaming maabutan kapag nagbagal ako. Hindi pa alam ni kuyang nandito ako sa clinic , isipin ko pa si gowon na nag iisa sa condo.

Naalala kona susunduin nya ako mamaya, send location ko nalang siguro para mahanap nga agad.

"you're dumbfounded again, are you really okay?" Sabi ni nicholas kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Tulala ka, ayus kalang ba?" Pag Tagalog nya. Napansin kong tulala na pala ako sa pagkain habang nakatungo. Hayssss tulala lang peg ko.

"Ayus lang ako, may iniisip lang" sabi ko sabay bigay ng tipid na ngiti sa kanya, sinimulan ko ng kumain dahil gutom na gutom nako. Baka kung ano pang mangyari sakin kapag tumanggi ako sa pagkain na sobrang sarap nato.

"Ano iniisip mo? Ako?, Wag mo na akong isipin nandito lang ako!!" Napangiwi ako sa sinabi nya, proud pa syang sinabi yan, akala mo naman sya iniisp ko.

Pilingero ang peg nitong president namin.

"Umayos ka, hindi ikaw iniisip ko no,tsk pilingero" sabi ko sabay subo ng kanin.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now