CHAPTER 51

967 40 4
                                    






         *ZENDAYA POV*

Sa wakas ay nakapasok na kaming lahat, umayos narin ang pakiramdam nila at bumalik na sila sa dating pagiging makulit at maingay sa loob ng classroom. Katatapos lang ng unang klase namin at nag simula ng gumawa ng kanya kanyang kalokohan ang mga kumag.

"Puta asan na yung candy sa bag ko

"Sino nag lagay ng bato sa bag ko?"

"Mamatay na kumuha ng piso ko"

"Mga animalss kau, nasan na note ko"

"Arat gutom na ko"

"Nag simba ako nung isang araw"

"Talaga? Share mo lang"

"Yan bobo kasi, sino ba nag sabing maglagay ka ng toyo sa sopas ha?"

Hayan na, hayan na naman, hindi naba mawawala sa kanila ang pagiging maingay, pero ang hindi ko malilimutan ang truth or dare na hayup na pakana ni milan.
Hanggang ngayon naaalala kopa yung nagawa ko kay kole.

*Flashback*

Ng matapos kong mamura sarili ko sa likod ng garden ay narinig kong balak na nilang matulog na. Kaya nag mamadali akong pumasok sa loob para walang makakita sakin.

Pagpasok ko ay wala ng tao. Siguro ay tumaas na sila para mag pahinga.

"San ka galing?" Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang seryosong boses ng presidenteng kumag.

"Sa tabi tabi hehe" sabi ko sabay ngiti.

"Bakit umalis ka sa laro?" Tanong nya, wala pang pakiramdam ang isang to.

"Ah....  Naboring ako eh, oo haha.... Bakit ka pala nandito?" Pag iiba ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil seryoso sya makatingin sakin.

"Ah talaga... Di wow" aba puta.... Pagkasabi nya nun ay tinalikura nga ako, masama na tumingin ako sa kanya habang nag lalakad sya paalis sa pwesto ko...... Gagu talaga.

*END OF FLASHBACK*

Kala mo yun. Ako na nag alaga, ako pa tatarayan. Pasalamat sya at matibay ang katawan ko at hindi ako nag kakasakit.

"Good morning section A" umupo kami ng maayos ng dumating ang teacher namin.

"Malapit na ang foundation day natin, meron na ba kayong representative sa mga bawat contest?" Panimula ni sir. Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na umiling.

"Sa susunod na araw na ang foundation day, kaya mamaya magusap na kayo para maayos nyo ang lahat." Sabi ni sir.

"Ano po ba ang sasalihan" tanong ko. Hindi ko alam ang sisimulan namin.

"Ibibigay ko sa inyo ang paper mamaya about sa event,...... Ok mag simula na tayo"

Nagsimula na kaming mag lesson at nakikinig naman ako. Ilang oras kami pinasukan ng teacher hanggang sa umabot ang recess namin.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now