CHAPTER 68

780 21 1
                                    

           ZENDAYA WESLEY POV

"Ganun po ang nangyari"

"Really? Oh god thanks for saving our zen! Don't worry yayayain kita sa mansion bilang pasasalamat"

Ang galing talaga ni milan.

Nauto pa ang mama kong niligtas daw nya ako mag-isa. Hindi ko tuloy maiwasang masampal ang noo ko dahil sa pinag gagagawa nya. Ito namang si mama napapaniwala ng loko.

Nandito kami sa room. Katabi ko si mommy at daddy habang si milan,nicholas at sina kuya ay nasa harap naming sofa. Buti nalang at sa private room ako dinala.

Ito namang si kuya tila ang lalim ng iniisip, hindi ko tuloy masisid, si gowon naman isa pang malalim ang iniisip, pareho sila ni kuya, PAREHONG LUTANG.

Mas nakakainis tong nasa harap ko, kanina pa tingin ng tingin na akala mo mawawala ako, Hindi ko tuloy maiwasang irapan tong Aliparot nato.

"Ang cute naman ng classmate mo zen! What's your name iho?" Tanong ni mommy na halatang tuwang tuwa kay milan.

Bigla namang lumabas ang gilagid ni milan dahil sa sobrang tuwa, Pvcha, "johan milan carlion po, milan the cute for short nalang heheh" medyo nahihiyang pakilala ni milan.

Milan the gilads kamo!!!!!

"Carlion?" Biglang tanong ni daddy kaya napatingin kami sa kanya. "Kaano ano mo si miss joana carlion?"
Tanong nito kay milan.

"Ahh, mommy kopo yun, hehe bakit po?" Tanong ni milan, kilala ni daddy ang mama ni milan? Well sabi rin ni kuya mayaman ang mga carlion lalo na sa airline.

"Nakikita ko yun sa sinasakyan naming eroplano lagi, your dad is a good pilot! Mas maganda kung sumusunod ka sa hakbang ng daddy mo"  usal ni daddy.

Pilot? Pinangarap ko ng asawang pilot!!!!!

"Pilot tatay mo? Bakit hindi mo sinabi sakin?" Hindi makapaniwalang sabi ko, akala ko isang mushmush lang ang batang to. Alam ko namang sa pag mamaya ari nila ang airline pero...... PILOT!!!

Marahan naman akong pinalo ni milan sa balikat!! " Si zen parang tanga haha, syempre hindi ka naman nag tatanong eh, pano mo malalaman" natatawang sabi nya kaya natawa na rin si mommy.

Geeee , tawa pa!!!!

"Zen nag dala--- oh" pare parehas kaming lumingon sa pintuan ng biglang pumasok si kole na may dalang donut..... Natigilan kaming lahat dahil natigilan din sya ng makita si mommy at daddy.

"Zachary? Is that you?"  Hindi makapaniwalang tanong ni daddy kay kole ng makita ito.

Bigla tuloy kumunot noo ko, bakit parang marami akong wala nalalaman, palibhasa wala akong alam sa mga business, sa company namin kapag pumasok ako baka mahilo pako dahil sa daming ginagawa.

"Mr and Mrs Wesley, Long time no see po" bati ni kole sabay tungo bilang paggalang. Bigla naman tumayo si daddy para puntahan si kole at paupuin sa tabi ko.

"Oh god, ang laki ko na Zachary, binatang binata kana, Tama nga ang kwento sakin ng mommy mo, you look like you father" Sabi ni mommy sabay ngiti nya dito. Ngumiti naman si kole sa kanya kaya lalong naguguluhan ang utak ko.

"Kakausapin kita Sa ibag araw ha" bulong ko kay kole kaya napatingin sya sakin, bumulong pa sya ng why? Kaya sinabi ko basta. Ayoko namang tanungin ni mommy at daddy at halatang kagagaling laang nito sa byahe.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now