CHAPTER 19

1.2K 43 0
                                    

Gusto ko nalang sabihin na wala akong sinabi kanina promise, siguro kung masama ang araw nyo ngayun wala ng hihigit pa sa sama ng araw ko ngayun.

Kinain nako ng galit sa hinayupak nayun kanina kaya nagawa ko yon... Atleast may nasampal ako diba.
Mahirap na hindi gumanti dhil doon.
Kaya heto ako ngayun pangalawang pasok na sa guidance office kasama si bellia na hanggang ngayun ay masama ang tingin saakin.

Wala si jane dahil sinamahan sya ni nicko sa clinic para gamutin ang sugat...... Dahil ang masaklap ako ang naabutan ng principal na nakikipag away sa mga to kaya ako ang napasama.

"Tama si miss Wesley, hindi ka muna dapat gumawa ng ganun kung wala kang patunay na sya ang may kuha" mahinahon na sabi ng principal kay bellia, napangisi namn ako dahil tamang tama ang sinabi nya.

Ikinuwento kasi ng isang nakasaksi sa amin ang nangyari at mabuti nag sasabi ng totoo ang nag sabi,

"But, walang patunay?, Eh kitang kita na nga na sya ang kumuha eh, duh nasa bulsa ng palda nya" maarteng sabi ni bellia sabay ikot ng mata. Sarap dukutin ng mata nitong isang to.

"Ako nanggigil ako sayong babae ka, kapag talaga napatunayan kong hindi si jane ang kumuha masasakmal kita ng wala sa oras"
Naiinis Kong sabi, akmang masasakmal kona to ng may pumigjl sa akin sa likod.

Pagtingin ko dito ay nanikit nalang bigla ang mata ko dahil nandito sa likod ko si aliparot, seryosong nakatingin saakin ang huyal.

"Sa ngayun, Wala pakong masabi dahil nakakalito kayong dalawa, papatawag ko nalang ulit kayo kapag nakakuha ako ng evidence"
Paliwanag ni principal at wala na kaming magagawa pa.

Mabilis na umalis si bellia doon pero hindi pa sys nakakalabas ay mabilis na hinablot ko ang braso nya.

Hindi pwedeng maging ganto nalang ang pinag hirapan ni jane, naawa ako sa kanya pero hindi ko alam kung saan ako mag sisimula, nakakainis dahil ang lakas pa ng loob nitong isang to.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako" inis na sabi nya pero mas lalo kopang diniinan ang pag kakahawak.

"Akala moba hindi ko alam ang ginagawa mo kay jane..... Bakit pati ang pamilya nya dinadamay mo dyan sa kalandian mo... Pati kaligayahan nya inilalayo mo" madiin na sabi ko dito, napapa aray naman sya sa pag kakahawak ko pero wala nakong pake sa kanya.

"Wala kang pake... Saka sino kaba para tulungan ang babaeng yon.. pareho lang naman kayong walang alam sa buhay" sa inis ko ay nagbtitimpi akong tumingin sa kanya,
Nakakainis na ang mukha ng isang to parang momy na sobrang daming bandage.

Hindi nako nakapag salita pa ng kuhanin na nya ang kamay nya at umalis dito sa guidance office, hindi ko kaano ano si jane pero naawa ako sa kanya, nakikita ko na gustong gusto talaga nya makasama si nicko.... Kahit hindi kami close ni nicko ay kaklase ko naman sya.

Inayos ko nalang ang salamin ko at may bigla akong naalala, tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si nicholas na naka cross arm habang nakatingin saakin. Nag tataka naman ako kung bakit nandito ang isang aliparot nato.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Wala nakiki chismis" bored na sabi pa nya sabay buntong hininga, nanikit naman ang mata ko kung bakit kada naga guidance ako ay nasalikod ko lagi ang aliparot nato.

Close ba kami?

"About doon sa jane, Balak mo talaga tulungan ang isang yun?" Takang tanong nya kaya naman mabilis na tumango tango ako.
Wala nang atrasan yern hehehe,saka si bellia lang naman ang tanga dito. Walang alam sa nangyayari.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon