CHAPTER 64

792 28 1
                                    

       

          ZENDAYA WESLEY POV

"60 nga pong special lomi saka kanin at ulam, dagdagan nyo narin po pala ng softdrinks"

Order ko, Matapos kasi ang mga katarantaduhan nila, Hinila nila ako papuntang lomihan, pati si jane na tawa ng tawa hinila narin ni nicko kaso ayaw ilapit sakin.

Walang forever ulol

Nandito kami ngayon sa karinderya malapit sa school kasama ang buong kumag,isama mopa ang presidenteng Aliparot nila. Pinagdikit dikit namin ang mga lamesa dahil hindi kami kasya. 60 kami tapos ako pa nag iisang babae. Malalakas pa naman kumain ang mga yun.

"Huling araw na bukas! Panoorin nyo ko ha" sabi ni milan na kanina pa nag hihintay ng lomi.

Oo nga pala bukas na ang huling program, bukas narin ang contest ni milan kaya kailangan kong manood. Baka magtampo yan alam nyo naman na isip bata ang peg nan.

"Makakalaban mo ata section D at B, hindi na pwede ang section E at C dahil madami na silang panalo" paliwanag ni nicko habang nakaakbay kay jane.

"Ayus lang yan, magandang lalaki naman ako-" sabi nito sabay porma. "Nilahian ata ako ng americano at Koreano" pagkamayabang nyang sabi dahilan para magkomento ang mga loko.

"Kaya pala"

"Kaya pala mukhang aso"

"Kamukha mo si clown"

Gaga hindi, si Annabelle ang kamukha

"Base sa ssg president na si cloud ng section D, gagawa na rin daw ng bagong rules ang paaralan, narinig ko din ang section natin ang pinaguusapan nila" inis na sabi ni terry ganun din ang ilang loko.

Si cloud? Ssg? Sana all.

"Wow, ssg president pala sya" bulong ko, gwapo nya kasi eh halatang matalino rin ang lalaking yun, mabait hindi tulad ni Aliparot na laging galit akala mo naman kung sino.

"Oo, president ang crush ni zen" sigaw ni milan dahilan para samaan ko sya ng tingin. Gonggong to!!!!.

"Hoy hindi ko crush----"

"Heto na po order nyo"  hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng dumating na order'namin. Pansin ko na tahimik ngayon ang dalawang Aliparot. Mabuti nga at walang ingay sa mundo.

"Mag dadasal paba AKO" tanong ni milan. Nagkatinginan kaming lahat kung papayag ba kami. Naalala ko tuloy yung dasal nya nung nasa school kami.

"Sige na, basta ayusin mo ha" sabi ni Nicholas na may halong pag babanta. Natawa naman ako dahil parang sya natrauma narin sa dasal ni milan.

Habang nag-aayos ay hindi ko maiwasang napatingin kay benick na katabi ko, tahimik sya na halatang may iniisip. Kanina pa sya, hindi ko naman magawang magtanong dahil kasama ko ang mga kumag. Baka kung anong sabihin nila.

"Sa ngalan ng ama----" sinimulan ni milan magdasal kaya naman pumikit kaming lahat maliban sa dalawang aliparot na tahimik na nakaupo habang nainom ng tubig.


"Lord salamat sa lomi-" panimula nya, halatang hindi maganda ang kalalabasan nito kaya minulat ko ang mata ko, pumikit din ako dahil nakapikit pala sila.

"Lord, kung hindi sya magiging akin, idamay mo narin ang mga kasama ko"

"Amen"

"Nandamay pa"

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now