CHAPTER 63

866 36 0
                                    

          ZENDAYA WESLEY POV

           FOUNDATION DAY 04

*****************************




"Ang galing mo zen, pwede kang singer" puri sakin ni gowon kaya napangiti ako. Nandito nako sa pwesto nila ng matapos ako sa pagkanta kasama si benick.

Medyo nahiya pako nung una kasi nandito s kuya para panoorin ako. Nakaramdam ako ng saya dahil may time pasya sakin kahit busy ang lalaking yan.

"Ako pa!! Eh mas magaling pa ko kay kuya eh" parinig ko kay kuya kaya napatingin sya sakin kasabay ng tawana nina gowon sa tabi ko .

"I Heard you zen" banta ni kuya kaya naman napa peace sign nalang ako.
Sus laging galit mahal naman ako.

Ilang minuto kaming nag kwentuhan hanggang sa natapos ang program. Napatingin ako kay kole at Nicholas na nakatingin rin pala sakin, hindi ko tuloy maiwasang umiwas sa kanila sa tuwing naaalala ko yung katarantaduhan nilang dalawa.

Medyo fresh pa sakin kaya manigas na silang lahat dyan.

"Zen" napatingin ako kay kuya ng tawagin nya ako. Nakita kong May sinabi pa sya kay Nicholas pero hindi ko marinig.

Close sila?

Baka naman may sinabi lang na kung ano,ang alam ko kasi hindi alam nina nicholas na kuya ko si ace. Hindi sila mag kakakilala.

"Mauna na kami ni gowon, may meeting kami sa comp baka mahuli ako" paliwanag ni kuya sakin kaya napanguso ako.

"Huh? Bakit? Kadadating mo lang ha? Balak ko pa naman kumain tayong dalawa ng lomi sa labas" nagtatampong sabi ko kaya lumapit sya sakin sabay yakap.

Nakakainis naman eh, kung kelan may nakita akong kainan na favorite nya tapos dun sya aalis. Kasama pati si gowon.

"I will go with you" sabi ng nasa likod ko kaya napalingon ako dun.

Ang presidenteng Aliparot

Bigla tuloy akong napatingin kay kuya ng maramdaman ko ang masamang titig nya kay nicholas, pero ang loko naka smirk lang na akala mo balewala ang lahat.

"Kuya naman eh" sabi ko uli kay kuya at hindi na pinansin si Nicholas.

"I'll be back in the next zen, I'm really doing a lot, as long as you don't forget to take the medicine, tell me right away if you remember something or if there's something bothering you.. your brother is right here" mahabang paliwanag nya kaya tumango nalang ako kasabay ng pagpaparinig ng mga kumag.

"Alagaan mo namana ko nine"

"Wag ko kalimutan baby milan ha"

"Ako na walang kuya"

"Ganan pala mag mahal si boss"

"Mas magaling magmahal si jane"

"Yakapin nyo nalang ako"

"Malapit na pasko pero malamig parin ang buhay ko"

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanila. Adik lang talaga sila o kaya may saltik sa utak lahat ng kumag.

Tumingin ako kay kuya, hindi ko magawang magalit sa kanya dahil alam kong para sakin din ang ginagawa nya. Napaka sakit lang kasi nawawala rin agad sya sa tabi ko. Wala na si mama at papa dahil sa trabaho tapos sya sya. Isa na sya sa malapit sakin pero feeling ko mag isa parin ako.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now