CHAPTER 73

769 28 3
                                    


Happy new year 🎉🎉🎊🤗 new year,new life daw mga kumag. Lub u all!!!

*********

WALA akong kasama ngayon sa bahay, wala si kuya at gowon dahil nasa opisina sila, nabalitaan kong tinuturuan ni kuya si gowon kung paano magtrabaho doon. Maganda na nga iyun para makapag experience sya nang iba pang bagay.

Si mommy at daddy naman ay nasa opisina din, uuwi daw sila mamayang hapon kaya mag iintay nalang ako dito. Bukas pa ata ako makakapsok dahil pinagbawalan ako ni kuya pati ni Aliparot. Nag mumukmok tuloy ako.

ALIPAROT
Message: kumain ka dyan!
Alam kong nakahiga kalang
Dyan ngayon sa kama mo!!.

Napa nguso naman ako, walang araw na hindi ako aapdate nitong si nicholas. Hindi naman ako naiinis,natutuwa pa nga ako at may nag aalala pa pala sakin kahit isang Aliparot pa. Hindi ako asyumero !!!!

TO: ALIPAROT
Message: Kumakain ako dito!!
Wag ka nga!

Hindi kona sya chinat at nagbasa nalang nang libro dito sa mansion. Puro maid lang ang kasama ko!!. Balita ko pa nga nag hire na si mommy nang driver ko para hatid at sundo sa school. Feeling ko pinoprotektahan lang nila ako. Kaya ko naman mag isa!!!!!.

Habang nag babasa ay napatingin ulit ako sa phone ko nang mag vibrate ulit ito. Si Aliparot ba to!!!. Pagbukas ko ay..

UNKNOWN NUMBER
Message:  you will die too Wesley

UNKNOWN NUMBER
Message: isusunod kita!, Die first!.

Nanginig agad ako, dahil sa kaba ay nabitawan ko ang phone ko kasabay nang pagbagsak ko, para san yun? Sino yun? Nakaramdam agad ako nang takot, bigla ko tuloy naramdaman na pumasok ang isang maid sa loob ng kwarto ko.

"Ma'am kakain na po------- MA'AM"

Mabilis na lumapit sakin si manang at inalalayan ako. Nag sisink pa sa utak ko lahat!!, Wala akong malaman!.
Dahil sa kaba ay nakaramdam ako nang paninikip nang dibdib. Gamot!.

"G-gamot--- gamot m-manang" nanginginig kong sabi.

"Sandali Ma'am" sabi ni manang sabay halwat sa cabinet ko ng gamot."heto ma'am, susko ano pong nangyari sa inyo?!" Kinakabahan na sabi ni manang.

Lalo akong nanginig sa takot at napahawak sa damit ni manang sa sunod na nangyari, parang gusto kong ibato nalang ang phone ko!!.

UNKNOWN NUMBER

      Calling..........

Oh god!!!!!

"May natawag----"

"W-wag, wag mong sasagutin!!"

Ayoko!! Natatakot ako!! Baka kung anong mangyari sakin!. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa!! Kailangan ko ng tulong..... Nicholas.

Nawala ang tawag ay doon na kumalma ang sarili ko, sino ka? Yan ang nasa isip ko. Hindi ko masabi! Simpleng tawag pero ikinatatakot ko.
Gusto kong magsabi!! Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Ma'am ok na puba kayo? Gusto nyo po ba sabihin ko to sa mama nyo nangyari!" Nag aalalang sabi sakin ni manang kaya mabilis na napatingin ako sa kanya.

"Wag manang, ayus na ko!, please wag mo na sabihin sa kanila to" simpleng sagot ko sa kanya. Nag dadalawang isip pa sya pero kalaunan ay tumango din.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now