CHAPTER 100

571 22 3
                                    

          ZENDAYA WESLEY POV

Unti unti kong minulat ang mata ko at tumambad saakin ang puting kisame.
Puting kama,at puting kumot. Anong nangyayari?bakit nasa Hospital ako?.

"Oh my god!! Darling your awake!... Honey..honey! Call the doctor!! Gising na ang anak natin!" Boses ni mommy.

Unti unting nagliwanag ang mata ko at doon ko nakita kung gaano kadami ang nasa harapan ko ngayon. Section A, si kole,sina nine, si kuya at gowon pati sina Kuya david.

Nasan sya?

"M-mommy" mahinang tawag ko at mabilis na yumakap sa kanya. Naalala ko ang nangyari, Takot ako nun, buti nalang dumating sina kole at nicholas para iligtas ako.

"Anak everything is fine, Wag kana matakot, mommy is here and I will never leave you again" sweet voice of mommy na lalo kung ikinaiyak. Hindi ko alam kung trauma kona ito o malas talaga ako.

Pansin ko mga sugat ko sa braso at medyo sumakit ang ulo ko. Hindi kona inalala pa ang nangyari dahil ayoko nang Maalala pa.

"Wait me here anak, Kakausapin lang namin ang doctor ha" sabi ni mommy at mabilis na umalis saakin at pumunta sa labas.

Hindi pako nakakapag salita ay mabilis na niyakap ako ni kuya. Hindi ko alam pero napaiyak ulit ako nang maaala syang walang malay.

"Zen, im sorry..im so sorry.. Hindi kita maprotektahan... Hindi ka maprotektahan ni kuya" hagulhol ni kuya kaya mabilis na niyakap ko sya nang mahigpit. "im sorry.. wala akong kwentang kuya!" Dagdag pa nya ay niyakap ako nang mahigpit.

"K-kuya...tahan na" nauutal na sabi ko kahit nahagulhol nako, nasasaktan akong makita si kuya nang ganto. Kasalanan to. Kasalanan ko ang lahat.

"Mabuti at gising kana zen, pinag alala mo kaming lahat" boses naman ni kole sa gilid ko kaya ngumiti ako sa kanya.

"oo nga zen!! Halos mapatay kona pati ulam ko sa pag aalala!! Alam mo ba! Hindi ako kumain kasi hindi ka kumain nanh dalawang araw" sabat naman ni milan kaya kumunot ang noo ko.

'Dalawang araw?... Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko ulit at kumalas sa pagkakayakap ni kuya. Pinunasan ko ang luha nya at mabilis na tumingin kay milan.

"Ay!! Oo zen.. so bale... Two days kanang tulog.... In tagalog dalawang araw ka nang Tulala sa kama" sabi naman ni nine na parang
Bakla ang boses.

Dalawang araw!! Dalawang araw akong tulog!! Dalawang araw akong walang kain!!buhay!! Bakit ang tagal.
Halos Kaya pala kumukulo ang tyan ko....pero....


"Nasa sya?"  Nakangiting tanong ko sa kanila.madami akong gustong sabihin kay nicholas. Nanaginip akong Nagpakasal kami kaso Hindi daw natuloy kasi May monster na dumating sa earth!! Kaya yun! Hindi natuloy!!.


Pero nang tinggan ko sila ay hindi sila sumagot. "Pumasok ba sya sa school?,Anong oras balik nya dito?"
Tanong ko ulit pero kumunot na ang noo ko nanh hindi sila umimik.

Bakit?


"Kole" tawag ko sa kanya para sya ang sumagot nang tanong ko. Lalong kumunot ang noo ko nang umiwas sya nang tingin sakin.

"May nangyari ba?bakit hindi kayo nasagot?" Tanong ko sa kanila. Parang masama na ang kutob ko.
Anong meron? Bakit parang may mali?

"Si Nicholas...... Nasa hospital din zen" Si terry ang sumagot. Nasa hospital naman pala eh. Susko kala ko kung anong nangyayari?

"Nasan? May sasabihin kamo ako! Papuntahin nyo sya dito" excited kong sabi sa kanila.

"Ah hehe" sabat ni milan. "I-ikaw nalang ang pumunta doon kay nicholas zen.... Hindi yun makakapunta dito eh" mahinang sabi nya saakin.

Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. May ginagawa ba sya?. Ayokong isipin pero alam kong hindi mangyayari yun eh.

"Sige,dalhin nyo ako" utos ko sa kanila.

"Magpahinga ka muna zen---"

"Gusto ko makita si nicholas"

Putol ko kay kuya at mabilis na tumayo at sumunod kina milan palabas nang room. Habang naglalakad ay hindi ko alam kung bakit ang tahimik nila. Walang naimik at lahat matamlay na.

Sa bawat lakad namin ay parang hindi ko kayang ituloy. Pero gusto ko syang makita, baka napagod lang at inantok sa ibang room ang lalaking yun, alam nyo naman!! Kahit saan keri matulog nang Aliparot na yun!.

Huminto kami sa isang room hindi kalayuan sa room ko. Hindi ko na sila hinintay at mabilis na pumasok sa loob.

"Nichol--"

Sa isang kama, nakahiga ang walang malay na lalaki, Mahimbing na natutulog habang merong benda sa ulo.... Natigilan ako nang malaman kung sino ang lalaki doon.

Nicholas

"Nabaril sya ni dita, Dalawang araw na din syang gumigising katulad mo zen" rinig kong sabi ni nine sa likod ko pero hindi ako lumingon.

Nanginginig at nanghihinang lumapit ako sa kay Nicholas na natutulog sa kama at puno nang mga Gamot sa katawan nya. Ano to? Kasalanan ko rin ba to? Bakit ba lagi nalang Nadadamay mga kilala ko sa buhay?.

"Sabi nang doctor, posibleng magising daw si nicholas dahil sa dami nang dugong nawala sa katawan nya... Pero... Kung hindi pa daw magising si nicholas nang tatlong araw.....baka daw mawalan sya nang ala ala "


Mabilis na lumabas ulit ang luha ko at hinawakan ang kamay ni Nicholas sa kama nya. Napaluhod ako sa sahig at humagulgol na tiningnan sya. Naramdaman ko agad ang pag alis nina kole para bigyan ako nang time kaya lalo akong umiyak.

Bakit? Bakit hindi nalang ako?.. naiinis ako sa sarili ko, kasalanan ko kung bakit sya ganto. Kasalanan ko kung bakit nasa kama nang Hospital si nicholas..... Sising sisi ako. Kasalanan ko ang lahat nang to.

"Nicholas... Tanginamo mo talaga"
Sabi ko na lalong ikinahagulhol ko. Iyak ako nang iyak habang minumura ang pangalan nya.

"Sorry..im so sorry....dahil sakin nandyan ka, kasalanan ko ang lahat" Iyak ko pa.

Napahinto ako sa pag iyak nang marinig ko ang pagbukas nang pinto at pumasok si kuya davin. Lalo tuloy akong umiyak nang lumapit sya saakin at inalalayan nya akong makaupo.

"Nicholas will be fine" pagpapatahan nya sakin. "kilala ko ang kapatid ko..... He's a strong badboy at alam mo yan zen"

Tumango ako. Kilala ko si nicholas, alam kong hindi nya ako iiwan.He wil never leave me at nasabi na nya sakin nyan nang ilang beses.

"You know zen, Hindi ka sisisihin ni Nicholas kapag nagising sya... Ginawa nya yun dahil para maprotektahan ka" mahinhin na sabi naman nya saakin kaya napatingin ako kay kuya David.

"K-kuya.... Kasalanan ko ang lahat....dapat hindi nangyari to..tapos... tapos...wala sana dapat dito si nicholas!"


"Shhh shhh, it's fine, it's nog your fault, wala kang kasalanan, hindi ko alam ang nangyayari kaya ok lang yan, wala kang kasalanan kaya wag mong sisihin ang sarili mo"

Mabilis na niyakap ako ni kuya David nang umiyak ulit ako, hindi ko mapigilang umiyak, Feeling ko talaga kasalanan ko ang lahat nang ito. Paano nalang kung malala pa ang mangyayari? Hindi ko maintindihan.

Muli akong tumingin kay nicholas na natutulog sa kama. Gagawin ko ang lahat para makabawi, Gagawin ko ang lahat para mawala ang kasalanan kong nagawa sayo.

"Nicholas will be fine"

S U N S H I N E W E B 3 1 7 8

HI GUYS PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW.. THANKSSS 😊😘😎🎊

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now