CHAPTER 72

815 28 0
                                    



Sumasakit ang ulo ko nang magising ako dito sa hospital, wala sina kole, si kuya at nicholas pati si milan lang ang tumambad sakin nang magising ako.
Hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito. Wala akong maalala.

Mas malala!!, Nandito si kuya! Papagalitan nya kaya ako?! Nakakatakot na si kuya magalit!! Wag naman sana!. Nakausap na namin ang doctor kanina.

Kulang lang daw ako sa kain,gamot at masyadong nag iisip daw ako nang kung ano ano. Hindi ko rin naman napansin dahil walang wala na talagang napasok sa utak mo. Minsan blanko na yan!!.

"Alam mo zen, halos manginig ako kanina sa takot!!!,pati atay ko sa loob nanginig narin!" Kwento ni milan sa tabi ko.

Kanina pa sya nag sasalita, wala naman akong magagawa dahil nakatingin naman sakin si kuya at nicholas. Nakakatakot sila. Para silang papatay ng manok sa mukha nila.

"Saka alam mo ba,muntik nakong mahulog sa kanal kasi tinulak ako ni nine, isama mopa si terry, kinikindatan yung nurse mo kanina!!" Dagdag pa nya.

Kelan kaba titigil na bata ka?!!!

"Saka alam mo ba----"

"Milan tumigil kana, putak ka ng putak!" Pigil ko sa kanya kaya napatigil sya. Kanina pa eh, boses rin nya narinig ko nang magising ako.

"Zen grabe ka!! Ano ako manok?"
Magtatampong sabi nya sabay hawak sa dibdib nya na akala mo sinaktan ko.

"Hindi!" Bored na sabi ko.

"Eh ano zen,kung hindi ako manok?!ano?!"

"Mukhang kang baboy, baboy na malapit nang katayin!!" Banat ko sa kanya. Napanguso naman sya kaya napangiti ako.

"Milan, umuwi kana muna,mamaya kana bumalik " Utos ni kuya kay milan.

Walang nagawa si milan kungdi ang mag papadyak palabas ng kwarto. Nang makalabas sya ay akala ko nandun na sya nang biglang....

"Hindi ako baboy!! Hindi!!"

Pvcha!!!

Nang makalabas na sya ay biglang tumahimik ang paligid. Hindi ako makatingin sa kanila. Ewan ko parang ako yung kakatayin sa kanila eh. Bigla naman akong napatingin ng tumayo si kuya at lumapit sakin.

Napatingin tuloy ako sa kanya ng maglakad sya sa harap ko. Seryoso syang nakatingin sakin!.

"Kuya--"

"Hayup!! Pinag alala moko zen!! Im sorry, im so sorry zen, i didn't mean to hurt you, im really really sorry!!"

Tuluyan nang bumagsak ang luha ko nang yakapin nya ako at sabihin ang salitang yun.  Kuya.

"Kuya"

"No!, Im sorry, sana pinakinggan muna kita bago ako nagsalita ng kung ano ano!, wala ka sana dito!.
Im so sorry, mahal na mahal ka ni kuya" Nanginginig na boses ni kuya ng sabihin nya yun. Hindi ko mapigilang maiyak at niyakap din sya.

Nasasaktan ako, pinag alala ko sya. Ano nalang sasabihin ni mommy kapag ganun!,

"Im sorry kuya, hindi na mauulit"
Tanging sabi ko habang nahagulhol.

Hindi ko masabi sa kanya ang chat sakin nung unknown, kahit chat parang natatakot narin ako. Pero ayokong dagdagan ang problema nila.

"It's ok, hindi na talaga to mauulit, don't worry hindi kana sasaktan ni kuya, Basta.....basta wag ka magisip nang ikapapahamak mo,ok?hmm?"

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon