CHAPTER 82

668 31 2
                                    


ZENDAYA WESLEY POV


"Zen? Anong iniiyak mo dyan? May masakit ba sayo?" Tanong sakin ni milan habang magkatabi kaming nakikinig dito sa bintana malapit sa pinto nina benick, hawak hawak naman ni Nicholas si ced na tulog na.


Shett! Lara pala pangalan nun? Ang saya ko mga te!! Akalain nyo yun bumalik asawa ni benick, nakakatuwa dahil hindi na mag iisa sa benick, hindi na mag iisa si ced,hindi na sila mag iisang mag-ama.  Ewan koba! Napaka sensitive ko naman pag gantong kwento!.


"Zen stop crying, your so sensitive"
Awat naman sakin ni Nicholas na nasa gilid lang namin. Pinunasan ko ang luha ko at ngumusong lumingon sa kanya.

"Che! Palibahasa wala kang feeling" balik ko sa kanya. Ang alam mo lang kasi pakiligin ak--- yung aso sa kanto!, Wala syang feeling!.


"Yes I have" balik nya sakin kaya kumunot ang noo ko sa kanya. Ano daw?!

"I have feelings zen, Hindi mo lang nakikita, sa iba ka kasi natamaan"

Ouch!

Hindi ko alam pero parang tinamaan ako sa sinabi nya, ako? Sa iba tinatamaan?, Paano nya nasabi? Hindi ko maintindihan kapag sya ang kausap ko. Pero feeling ko ako ang simasabihan nya.

"Paano mo nasabi?" Matapang na tanong ko sa kanya, naging seryoso ang mukha nya at inayos ang pag kakabuhat kay ced.

Narinig kopa ang ohh ni milan sa gilid ko pero hindi ko sya pinansin.

"Because I like y--"


"Nicholas? Milan? Zen?, Anong ginagawa nyo dyan?"


Mabilis na napatayo kaming dalawa ni milan sa pag kakaupo malapit sa bintana at humarap kina benick, Hindi kona napansin ang sasabihin ni nicholas dahil napansin kami ni benick na nakasilip!! Patay na this!.

"W-wala benick, nag lalaro lang kami dito, diba zen?!" Pinagpapawisang sabi ni milan sabay kalabit sakin, sinenyasan ko naman sya pero hindi nya parin magets.

"Oo haha, nag lalaro lang kami! Taguan!" Balik ko naman.

Tumango naman si Benick kasabay nang paglabas sa pinto nang babae, maitim sya nang konti at mas maliit pa sakin, pero magandang babae, ngumiti sya sakin bago lumapit kay benick.

"Ahmm zen-" putol ni benick sabay himas nang batok, " s-si lara, asawa ko" pakilala nya kay Lara sakin. Cute haha!!.

"Hi, im zendaya, zen nalang" bati ko sa kanya sabay shake hand pa. Nakita ko naman ang pag tingin sakin ni benick kaya tinanguan ko sya.

"Ako pala si lara, Pasensya na sa nagawa ko ha, Naabala ko pa kayo sa bata, Wag kayong mag alala, babawi ako"

"Naku wag na ok la---"

"Talaga po!? Sakto nagugutom nako eh! Wala bang pagkain sa inyo?"

Mabilis na binatukan ko si milan nang putulin nya ang sasabihin ko at bumanat pang nagugutom ang loko.

"Milan ano ba-?"

"Nako oo, mag luluto ako, pasok muna kayo sa loob saka pala...... Pwedeng makuha ang anak ko?"
Tanong nya kaya napatingin agad ako kay Nicholas, kumunot agad ang noo ko nang makitang sakin sya nakatingin. Kanina pa sya?.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now