CHAPTER 96

566 30 2
                                    


Buhay pa ba ako? Try kona kaya magpakain nang buhay sa lupa?, Try ko na rin magpalamon sa hayop!.bakit  kasi sa dami daming tao sa buong Pilipinas, buong mundo.. ako pa!! Bakit ako pa yung binigyan nang pinakamalalang Problema.

Slight lang naman sya oo!! Saka sakto lang sa utak ko kung mag kasya ang problema, pero kung keri pa nang utak ko tumanggap nang problema ay walang angal! Sige lang!! Hanggang sa Mawalan ako sa alaala.


Magandang balita rin pala!! May dress na ako sa event!! Binili nina mommy sa USA, hindi ko alam kung bakit ang layo pa nang pinag bilhan pero keri na, maganda naman eh, saka Sakto lang sa sexy, oo sexy kong katawan.


Araw nang Huwebes at nandito ako ngayon sa Canteen, nagugutom kasi ako kaya iniwan ko muna ang mga loko sa loob nang room, wala namang klase dahil busy ang mga Tao para sa event na gaganapin. Ang section lang ata namin ang Walang ginagawa dahil wala naman silang binibigay na task para sa amin.


"Isang Kanin at dalawang patty nga ate... Saka isang delight at tubig " order ko sa counter. Alam nyo ba!! Ginto ang pagkain sa canteen namin,
Sa sobrang ginto halos lahat nang studyante nang Bernardo ay sa labas na kumakain.


"Oh iha" sabi naman ni ate sa counter at inabot saakin ang tray. " Bakit nandito ka iha? Akala ko ba hindi kana pwede dito sa cafeteria?" Takang tanong nya kaya kumunot agad ang noo ko.


Ako?bawal? At sining demonyo ang nagsabi nan?.


"Ay, Talaga po? Bakit wala namang sinasabi sakin?" Patay malisya kong sabi at napakamot pa nang batok. Gutom ako eh, madaming nangyari, kalimutan muna natin si kole, kain muna!!.


"Baka pagalitan ako ni bellia iha, sabi kasi sakin wag na kitang pagbebentahan eh... Kaso mabait ka naman kaya itago mo nalang sa kanila" nag susumamo ni ate sakin kaya nakaraan ako nang awa.

Bakit ba naman matandang nagtitinda idinadamay pa sa kaharutan nang babaeng yun?. Saka bakit bawal ako dito? Sinong May karapatang paalisin nila ako dito.

"S-sige po ate ako na bah---"

"Aba't tingnan mo nga naman!"

Pvcha! Naabutan ako ha!.


"Hi zendaya" pagbati sakin ni bellia habang dala ang mamahaling bag nya. "kamusta? Malandi parin ba?" Pang aasar nya sakin kaya narinig ko agad ang mahinang tawanan sa loon nang cafeteria.


"Malandi?" Pagbabalewala ko sa tanong nya at inosenteng tiningnan sya. " Ang alam ko sa ating dalawa ikaw ang malandi.... Hindi ba?" Dagdag kopa at halos gusto nang tumawa sa mukha nila.


"May kapal ka parin palang inilalabas no?.... Hindi ka lang malandi, Makapal pa mukha mo"


Gusto kong magalit pero napaisip ako, bakit ako magagalit kung hindi naman totoo, sino nilalandi ko? Pader sa room namin? At kelan pa naging manipis ang mukha ko!. Gusto kong mamilosopo ngayon dahil ang dami kong iniisip dumadagdag pa ang makapal nyang lipstick sa labi.


"Sige lang... Magsalita ka lang bellia, malandi ako? Ok! Malandi na kung malandi, makapal mukha ko? Ok lang din! Kahit kelan hindi naging manipis yan" nakangising sabi kopa bago sya irapan.

Nakita ko agad ang pagiba nang mukha nya at masama akong tinitigan, sa lahat nang anak nang magnanakaw, sya pa itong makapal ang mukhang Humaharap sa ninakawan nya.


"Palibhasa malakas lang ang kapit mo sa section A, Kay kole at nicholas mayabang kana!" Iritang sabi nya bago ngumisi. " Ganan na ba talaga epekto kapag dalawa dalawa ang nilalandi sa iisang Room?.... What a bitch zen!,

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Where stories live. Discover now